Sen. Bong Revilla supports son Jolo amid engagement rumors

by Melba R. Llanera
Jun 8, 2019
Sen. Bong Revilla supports son Jolo's decision amid engagement rumors: “Kung saan masaya si Jolo, dun ako."
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram

Buo ang suporta ni Senator-elect Ramon "Bong" Revilla Jr. sa balitang engaged na ang anak niyang si Cavite Vice Governor Ramon “Jolo” Revilla III kay Bb. Pilipinas 2016 1st runner-up Angelica Alita.

Pahayag niya, “Kung saan masaya si Jolo, dun ako.

“Hintayin niyo na lang ang final announcement ni Jolo.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bong sa 35th Star Awards for Movies na ginanap sa Newport Performing Arts Theater sa Resort's Manila noong June 2.

THANKFUL FOR VOTERS' SUPPORT

Labis naman ang pasasalamat ni Bong sa lahat ng bumoto at nagtiwala uli sa kanya nitong nakaraang mid-term elections.

Pahayag niya, “Siyempre excited tayo. Nakakatuwa na sumuporta pa rin sa akin ang sambayanang Filipino.

“Top 11! Well, ang importante nanalo tayo.

“Nagpapasalamat tayo sa sambayanang Filipino.”

Ngayong balik-Senado na, babalik na rin kaya sa paggawa ng pelikula si Bong?

“Trabaho muna tayo and then pag stable na, gagawa tayo ng pelikula,” paglinaw niya.

Continue reading below ↓

DAD'S ESCORT

Nagsilbing escort si Bong sa amang si Ramon Revilla Sr. na pinarangalan bilang isa sa Mga Natatanging Bituin ng Siglo sa 35th Star Awards for Movies.

Saad ni Bong, “Nakaka-miss ang showbiz.

“Heto, ako'y escort ngayon ng aking tatay.

“Masayang-masaya kami for my father. Excited na excited siya talaga na tumanggap ng award.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sen. Bong Revilla supports son Jolo's decision amid engagement rumors: “Kung saan masaya si Jolo, dun ako."
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results