Sanya Lopez still iffy about auditioning for Darna role

by Melba R. Llanera
Jun 8, 2019
Will Kapuso actress Sanya Lopez audition for Darna role? She says, "Basta yung network ay pumayag at okay sa kanila at nagbigay sila ng invitation, why not?"
PHOTO/S: Allan Sancon

Maraming netizens ang naniniwalang ang Kapuso actress na si Sanya Lopez ay isa sa mga strongest contenders para sa Darna movie role na binitiwan ni Liza Soberano dahil sa kanyang finger injury.

Bukod sa kanyang morena beauty, kayang-kaya rin ni Sanya na gumawa ng stunts, gaya ng naipamalas niya dati sa fantaseryeng Encantadia.

Ngayong bukas for audition ang role, marami ang nag-aabang kung itutuloy ni Sanya ang plano niya para mag-audition para sa Darna role.

Agad itong itinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Kapuso actress sa katatapos na 35th Star Awards for Movies nung nakaraang June 2.

Lahad niya, “Basta yung network ay pumayag at okay sa kanila at nagbigay sila ng invitation, why not?

“Pero sa ngayon, masaya ako sa kung anuman ang binibigay sa akin ng GMA.

Ayon kay Sanya, masaya siya sa balitang kinukunsidera ang pangalan niya, pero naniniwala rin siyang mas maraming karapat-dapat kaysa sa kanya para sa role.

Continue reading below ↓

Pagpapasalamat niya, “Nakakatuwa na kinu-consider nila ako bilang Darna.

“Pero siyempre, malaking responsibility ang pagiging Darna.

“I think may mga karapat-dapat dun, at kung sinuman ang mapili na Darna, sana maging maganda ang kalabasan ng Darna.

“I think naman kukuha sila ng best for Darna.”

Aminado naman ang Kapuso actress na naging pangarap din niya na gampanan ang role bilang iconic Pinay superhero.

Tugon niya, “Lahat naman siguro naging pangarap ang pagiging Darna.”

THANKFUL FOR AWARD

Sa nakaraang 35th Star Awards for Movies, tinanghal si Sanya bilang Best New Movie Actress para sa pelikulang Wild and Free.

Hindi raw niya inaasahan ang pagkapanalo, pero nagpapasalamat siya sa mga taong nagtiwala sa kanya para gawin ang pelikula.

“Sobrang masaya ako, I didn't expect na ako yung mapipili.

“Siyempre first movie ko ang Wild and Free, Regal Entertainment pa.

“Sobrang thankful ako sa kanila—Direk Connic Macatuno, yung nag-direk sa aking dun. And thanks as wel to Mother Lily and Ms. Roselle Monteverde!”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Will Kapuso actress Sanya Lopez audition for Darna role? She says, "Basta yung network ay pumayag at okay sa kanila at nagbigay sila ng invitation, why not?"
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results