Awra Briguela, Riva Quenery deny disrespecting Blackpink's Jennie, Blinks

by Nikko Tuazon
Jun 10, 2019
Awra Briguela (left) and Riva Quenery (right) deny laughing at Blackpink's Jennie Kim and their fans who were not able to attend the K-pop group's meet and greet last Thursday, June 6.
PHOTO/S: @awrabriguela / @riva on Instagram

Humingi ng paumanhin ang ABS-CBN stars na sina Awra Briguela at Riva Quenery matapos umani ng batikos dahil sa Instagram Live video nila, kasama si AC Bonifacio, tungkol sa sikat na K-pop girl group na Blackpink.

Nitong June 6, ginanap sa Samsung Hall ng SM Aura sa Taguig City ang meet-and-greet event ng Blackpink na inorganisa ng Shopee Philippines.

Sa isang Instagram post nitong Sabado, June 8, binigyang linaw ni Awra ang mga isyung ipinupukol sa kanila ng ilang fans ng Blackpink—na kung tawagin ay Blinks—sa social media.

Si Riva naman ay nag-upload ng vlog noong araw ring iyon tungkol sa nangyari.

Umabot na sa mahigit 800,000 views ang kanyang vlog post na may titulong "DEAR BLINKS."

AWRA AND RIVA'S SIDE OF THE STORY

Sa unang bahagi ng kanyang apology letter, nilinaw ni Awra na hindi nila pinagtawanan ang mga fans na hindi nakapunta sa nasabing event.

Ang pang-i-English daw niya ang kanilang tinawanan.

Continue reading below ↓

Mensahe ni Awra, "Gusto ko lang din po sana klaurihin ang lahat. Eto po talaga ang katotohanan.

"Mahina ako sa english, karamihan ng tao alam yan.

"Nung binasa ko yung comment sa live ni AC na 'What can you say about other blinks na hindi nakapunta?'

"Dun palang natatawa na kami kasi may english yung tanong hindi dahil may mga hindi nakapunta.

"Hindi ko intensyon na makasakit sa mga hindi nakapasok sa event.

"Nung binasa ko yun, walang masagot si Ate Riva & AC kasi mainit pa yung issue tungkol sa Shopee.

"Ako naman, basa lang ng basa hanggang sa di ko namalayan, awkward na pala yung tanong na nabasa ko.

"Eh kailangan ang sagot ko english, ang pinakamadaling English lang na alam ko ay 'We love you guys.'

"Hindi yun pang aasar, sadyang mahina lang talaga ako sa English at yun na yung unang pumasok sa isip ko."

Sinegundahan naman ito ni Riva sa kanyang vlog at sinabing nagulat din siya nang basahin ni Awra ang tanong lalo't mainit-init pa ang isyu.

Continue reading below ↓

Nilinaw rin ni Riva na kay Arwa siya natawa, hindi ang mga hindi nakapunta sa meet and greet ng Blackpink.

Pahayag nito, "Yung issue na yun, bago pa kami mag-live is sensitive na for us.

"Kasi nung nag-start kami mag-post about Blackpink, marami na talagang comments na 'hindi niyo deserve,' na ganito-ganyan, 'Ang daya kasi hindi naman kayo gumastos...'

"So, nung time na binasa yun ni Awra sa live, parang siyempre na-shock kami na, 'Oh my gosh! Bakit niya binasa, e, medyo sensitive question pa naman 'yan?'

"Pero knowing Awra, he's very transparent. Sobrang transparent niya.

"Kung ano yung nababasa, sasabihin niya. Kung anong nararamdaman niya, sasabihin niya.

"Nung binasa niya yung questions nila, 'What can you say sa mga hindi nakapunta?'

"Siyempre kami, ang awkward magsalita kasi fresh na fresh pa yung issue and biglang tatanungin na, 'Anong masasabi mo sa hindi nakapunta?'"

Dagdag ni Riva, "Nung time na yun, hindi ko pinagtatawanan yung mga hindi nakapunta.

Continue reading below ↓

"Grabe, ganun ba kasama yung tingin niyo sa akin para pagtawanan yung mga hindi nakapunta?"

AWRA DENIES DISRESPECTING JENNIE

Isa pang isyung ipinukol sa dalawa ay pinagtawanan daw ng mga ito ang miyembro ng Blackpink na si Jennie na diumano'y nagkaroon ng panic attack sa event.

Paglilinaw ni Awra, natawa sila dahil mali ang intindi niya sa tanong ng mga kasama.

Continue reading below ↓

Sulat ni Arwa, "Pangalawa, hindi ko intensyon na i-disrespect si Jennie kasi alam ko yung pakiramdam nang i-direspect.

"Aware po ako/kami na may sakit siya kaya bakit naman po kami magbibiro about sa sakit niya.

"Nung time na yun, nalito din ako sa pagkakaiba ng 'sick' na may sakit at 'sick' na parang astig.

"Tumawa kami dahil sa pageenglish kong mali-mali, hindi dahil sa sakit ni Jennie."

Ganito rin ang paliwanag ni Riva sa kanyang vlog.

Aniya, "Nung tumawa kami nun, hindi dahil may sakit si Jennie...

"Nung nalaman ko pa lang yung issue na yun, na pinagtatawanan ko raw si Jennie, na minamaliit ko ang isang panic attack, talagang dun ako na-shock..."

Dagdag nito, "Ang pinagtawanan ko dun, kasi parang nalito si Awra na 'Oo nga, ano nga yung definition ng sick? Yung may sakit ba o yung cool?'

"Parang nalito siya.

"So, natawa kami dahil sa English ni Awra. Hindi dahil may sakit si Jennie."

Continue reading below ↓

AWRA BRIGUELA APOLOGIZES TO BLACKPINK FANS

Sa huling bahagi ng kanyang post, nakiusap si Awra sa Blackpink fans na huminto na sa pamba-bash at panghuhusga sa kanilang pagkatao dahil sa pangyayari.

Aniya, "Pangatlo, napanood ko yung vlog ni Ate Riva.

"Sobrang nakarelate ako sa part na walang support system.

"Kasi guys sa totoo lang, wala akong support system na katulat kay Ate Riva.

"Wala akong mapagsabihang pamilya at isa lang naman akong batang madami pang matutunan.

"Hindi po ako nagpapaawa sa inyo pero sana wag naman dumating sa point na buong pagkatao ko huhusgahan niyo na dahil sa namisinterpret ako."

Inamin naman ni Awra na may pagkakamali rin siya kaya humingi siya ng tawad sa kanyang nagawa.

Aniya, "Alam kong nagkamali ako at alam kong tatanga tanga din ako pero alam kong hindi sapat yung pagkakamaling nagawa ko para sabihan niyo akong masama o pangarapin niyo na sana nawala na lang ako sa mundong ito.

"Hindi sapat yung pagkakamaling nagawa ko para sabihan nyoko ng salot sa lipunan kasi kahit kailan wala akong ginawang ikaka apekto ng lipunan na ito.

Continue reading below ↓

"At higit sa lahat, hindi sapat yung pagkakamaling nagawa ko para i-judge niyo yung buong pagkatao ko.

"Aminado akong mali na sinabi kong 'sensitive niyo naman' at 'parang yun lang' pasensya na kung walang preno yung mga salita ko.

"Mali na minaliit ko yung problema niyo.

"Sana mapatawad niyo ako at sana kalimutan na nating ang mga nangyari.

"Alam kong ang sakit na may galit sa puso kaya sana tanggalin na natin yan galit na yan.

"Uulitin ko sorry ulit sa inyong lahat. God bless!"

RIVA QUENERY'S VLOG

Narito ang buong vlog ni Riva Quenery:

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Awra Briguela (left) and Riva Quenery (right) deny laughing at Blackpink's Jennie Kim and their fans who were not able to attend the K-pop group's meet and greet last Thursday, June 6.
PHOTO/S: @awrabriguela / @riva on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results