Eddie Garcia: critical, but no heart attack; tripped on cable wire on set

by Erwin Santiago
Jun 9, 2019
Eddie Garcia's hand with rosary, 2 p.m., at Makati Medical Center, ICU Neurology ward.
PHOTO/S: PEP File / Courtesy of Bibeth Orteza

Nilinaw ng kampo ni Eddie Garcia ang ilang detalye tungkol sa sinapit ng veteran actor sa taping ng upcoming GMA-7 drama series na Rosang Agimat kahapon, June 8.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa screenwriter-direktor na si Bibeth Orteza, kaibigan ng longtime partner ni Eddie na si Lilibeth, ang ilang impormasyon sa totoong nangyari sa 90-year-old actor na kinikilalang "icon" ng pelikulang Pilipino.

Taliwas sa lumabas na “official statement” diumano ng pamilya ni Eddie, na nailathala sa PEP.ph at iba pang news websites kahapon, hindi “severe heart attack” ang dahilan ng pag-collapse ng multi-awarded actor-director.

Ang nangyari raw talaga ay napatid si Eddie sa cable wire ng production sa isang eksena kung saan tumatakbo ang aktor.

Dahil sa aksidente ay may nabali sa bandang leeg ni Eddie.

Ayon sa impormasyong ipinarating ni Bibeth: “No heart attack, no aneurysm or anything related to brain.

Continue reading below ↓

“He tripped on a cable wire of the production. Fell face down and fractured something base neck c1and c2.”

Pinabulaanan din ni Lilibeth na galing sa kanila ang “official family statement” na lumabas kahapon.

TAPING ACCIDENT, NOT HEART ATTACK

Isang kamag-anak nilang doktor ang nagtungo nga raw sa Mary Johnston Hospital sa Tondo, Manila, kung saan dinala si Eddie, upang suriin kung heart attack o aneurysm ang dahilan ng pag-collapse ni Eddie.

“Both did not happen at all,” saad ni Lilibeth kay Bibeth.

Si Lilibeth din daw ang nagdesisyong ilipat si Eddie, sa pamamagitan ng ambulansiya, mula sa Mary Johnston Hospital papunta sa Makati Medical Center.

Kulang daw kasi sa pasilidad ang Mary Johnston at posibleng mag-deteriorate ang kondisyon ni Eddie.

Naroon na rin daw sa Makati Medical Center ang personal doctors ni Eddie mula pa kaninang alas-kuwatro ng madaling-araw.

Sabi pa raw ni Lilibeth sa text message: "I am very confident they will do their best bec his drs love him and are updated with his movies and teleseryes."

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan, nasa kritikal na kundisyon pa rin ang beteranong aktor na nasa neurology ward ng Intensive Care Unit.

GMA-7'S NEW STATEMENT

Sa kabilang banda, kaninang umaga ay naglabas muli ng official statement ang GMA-7 tungkol sa nauna nilang ulat na inatake sa puso si Eddie.

Sabi rito, ang impormasyong inatake sa puso si Eddie ay nanggaling sa stepson nito na si Nick.

Pinaiimbestigahan na rin daw ng GMA-7 management ang insidente kung saan natapilok si Eddie sa gitna ng fight scene sa taping ng Rosang Agimat.

"The video of Mr Eddie Garcia faltering in his steps and eventually collapsing has reached GMA. We are seriously reviewing the said video as well as other videos of the same scene which our cameras also took, before we make any conclusions on what really transpired.

"The statement that was released earlier was given to GMA News by Nick, Mr. Eddie Garcia’s stepson.

Continue reading below ↓

"We will wait for the family or their doctor to issue a formal update on his condition.

"Meanwhile, we continue to pray for his quick recovery."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eddie Garcia's hand with rosary, 2 p.m., at Makati Medical Center, ICU Neurology ward.
PHOTO/S: PEP File / Courtesy of Bibeth Orteza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results