Jason Abalos supports girlfriend Vickie Rushton's pageant bid

by Rommel Gonzales
Jun 9, 2019
Kapuso actor Jason Abalos (left) gives his full support to girlfriend Vickie Rushton (right), one of tonight's contenders for the Bb. Pilipinas 2019 crown: "Panahon niya yan, e!”
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Ang girlfriend ni Jason Abalos na si Vickie Rushton ang isa sa mga kandidatang rarampa mamayang gabi sa Araneta Coliseum para sa coronation night ng Bb. Pilipinas 2019.

Paano kapag nanalo si Vickie mamayang gabi?

Hindi sila puwedeng magpakasal within the year dahil nasa kontrata ito bilang beauty queen.

Ayos lang raw ito kay Jason.

Lahad niya, “Hayaan ninyo muna siya.

“Ibigay niyo na sa kanya yung ano na yan, panahon niya yan, e!”

Handa raw siyang maghintay hanggang matapos ang isang taong reign ni Vickie kung sakaling palarin ito.

Anim na taon na silang magkasintahan.

Huling pagsali na raw ni Vickie sa pageant this year.

“Kasi yung age niya,” esplika niya.

BIHAG ROLE

Idinepensa ni Jason Abalos ang karakter niya bilang si Brylle sa GMA-7 teleserye na Bihag.

May mga komento kasi na parang napakahina niyang asawa kay Jessie (Max Collins).

Pagklaro niya, “Pero ito po kasi yung takbo ng istorya, e.

Continue reading below ↓

“Parang… may mga ano, minsan kinukuwestiyon ko yung pagka-doktor ni Brylle.

“Yung parang, kahit papaano naman, siguro kako nag-iisip ito, di ba?

“May mga diskusyon kami ng EP [executive producer] namin, direktor, tuwing may mga kukunang eksena, pag nabasa ko yung script.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jason sa taping ng Bihag noong May 28 sa Marina-Iloilo, Oysters and Seafood restaurant sa Quezon City.

Bukod kina Jason at Max ay nasa Bihag din si Sophie Albert bilang kabit ni Brylle na si Reign.

Sa tunay na buhay ba ay naranasan na ni Jason na pag-agawan ng dalawang babae?

Mabilis niyang tanggi, “Ah, hindi! Ayoko kasi ng ganyang ano... kumbaga, ang tao ay hindi puwedeng pag-agawan.

“Kumbaga kasiyahan ninyo yan, diyan ka lang.

“Hindi mo pupuwedeng ipilit yung isang bagay sa ayaw nung isang tao.”

HAPPY KAPUSO

Mahigit dalawang taon na sa GMA-7 si Jason.

Continue reading below ↓

Aniya, “So far, oo, okay naman.

“Although siyempre, nakaka-miss yung mga tao sa kabila [sa ABS-CBN] dahil di ba, twelve years ako dun.

“Pero dito, hindi naman din sila mahirap pakisamahan.”

Tatlong taon ang kontrata ni Jason bilang Kapuso.

BONDING WITH MARK

Bago pa man mapunta sa GMA si Jason ay magkaibigan na sila ni Mark Herras na co-star ni Jason sa Bihag bilang pulis na si SPO1 Larry Pineda.

Noon daw ay madalas silang maglaro ng DOTA sa isang internet café sa Tomas Morato Ave. at ngayon naman ay laging magkasama sa mga celebrity basketball games out-of-town.

Bilang kaibigan, ano ang mga payo na ibinigay niya kay Mark sa panahong nagkahiwalay sina Mark at nobya nitong si Winwyn Marquez?

Pahayag niya, “Pagka kasi lalaki sa lalaki, hindi pinag-uusapan yan, e.

“Kumbaga, alam naman namin na kaya ni Mark.

“Siguro may mga panahon lang na... halimbawa may mga laro kami, 'tapos hindi siya kasama, sabi namin, ‘O sige, kahit na kunan mo kami ng… para lang hindi siya magkulong sa bahay.

Continue reading below ↓

“Yung isa susunduin siya, 'tapos yung mga TF [talent fee] namin...

"Kumbaga, maliit lang naman pero hindi naman namin...

"Kumbaga, mas importante yung magkakasama kami talaga.

“So sinasama namin siya.”

Ang grupo nila ng mga artistang dumadayo sa iba't ibang lugar para mag-basketball ay kinabibilangan nina Jason, Mark, Marco Alcaraz, Matt Evans, JC Tiuseco at Joross Gamboa, among others.

BUSINESS VENTURES

Bukod sa pag-aartista ay negosyante rin si Jason.

Mayroon siyang printing company (ng mga billboard, tarpaulin at posters) sa Caloocan na walong taon nang operational. Mina-manage ito ng pinsan ng aktor na business partner niya sa naturang negosyo.

May beauty salon rin si Jason sa Nueva Ecija na tatlong taon nang bukas.

Magka-partner sila dito ni Vickie at isa pang partner na siyang nagma-manage ng naturang salon.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Jason Abalos (left) gives his full support to girlfriend Vickie Rushton (right), one of tonight's contenders for the Bb. Pilipinas 2019 crown: "Panahon niya yan, e!”
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results