Will Klea Pineda follow in the footsteps of Pia Wurtzbach and Catriona Gray?

by Ruel J. Mendoza
Jun 9, 2019
Did Pia Wurtzbach (in blue) anoint Kapuso actress Klea Pineda (in black) as the next likely Miss Universe PH contender?
PHOTO/S: Klea Pineda Instagram

Hindi makapaniwala ang StarStruck 6 Ultimate Female Survivor na si Klea Pineda nang personal niyang makausap ang dalawang Miss Universe winners na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray sa charity gala event na "Frontrow Cares and The Universe Give Back" na ginanap sa Marriot Hotel noong nakaraang June 6.

Pinost pa ni Klea sa kanyang Instagram account ang kanyang once in a lifetime experience noong gabing iyon:


Ikinatuwa ni Klea ang payong binigay sa kanya nina Pia at Catriona kung sakaling pag-isipan na nito ang sumali sa Bb. Pilipinas pageant.

Payo ni Pia sa kanya: “If you are thinking about joining Binibining Pilipinas just go for it, 'cause your life will really change, I swear! Like my life really changed. And I can say this like, guys, manalo o matalo, magbabago talaga 'yung buhay niyo.”

Ang payo naman ni Catriona: “You know, just enjoy the journey and find why you're doing it. There has to be a purpose behind it.”

Continue reading below ↓

Sa naging interview ni Klea sa 24 Oras, natuwa siya na makatanggap ng magagandang payo sa dalawang babae na naging inspirasyon ng mga katulad niyang nangangarap maging isang beauty queen.

“Minsan lang ako ma-starstruck talaga, and nangyayari lang sa akin yun kapag mga Miss Universe ang kaharap ko or beauty queens,” ngiti pa ni Klea.

Nasabi na noon ni Klea na sa edad na 21 siya magsisimula sa kanyang training sa pagsali niya sa Bb. Pilipinas pageant.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Did Pia Wurtzbach (in blue) anoint Kapuso actress Klea Pineda (in black) as the next likely Miss Universe PH contender?
PHOTO/S: Klea Pineda Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results