Michelle Dee on pageant plans: “Wala naman po akong sinabing ayaw ko."

by Rommel Gonzales
Jun 9, 2019
Michelle Dee on pageant plans: “Wala naman po akong sinabing ayaw ko. It’s just a matter of timing lang.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Marami ang nagtatanong kung may planong sumali sa future beauty pageants si Michelle Dee, ang anak ng actress/beauty queen na si Melanie Marquez at former action star na si Derek Dee.

Kadalasan kasi ay tila dedma lang siya sa tanong, o kaya nama'y hindi ganung kasigurado ang sagot nito.

“Wala naman po akong sinabing ayaw ko.

“It’s just a matter of timing lang,” paglinaw niya.

Sa isang taon ba ay sasali na si Michelle sa Binibining Pilipinas o sa Miss World Philippines?

“Let’s see. Abangan ninyo na lang po,” at tumawa ang 5’10” stunner.

Bukod sa ina niya ay paboritong beauty queens ni Michelle sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at 2013 Mss World Megan Young.

MOVIE PROJECTS

Isa sa cast members ng Because I Love You na pelikula ng ALV Films si Michelle, at paglilinaw ng dalaga, hindi raw siya kontrabida dito kina Shaira Daz (as Summer) at David Licauco (as Rael) na mga bida sa naturang pelikula.

Continue reading below ↓

“Hindi po siya love triangle or anything.

“It’s a movie about love, finding true love, self-discovery, pero wala namang agawan or anything.

“It’s just… life,” paliwanag ng BS Psychology graduate mula sa De La Salle University.

Pinakaunang pelikula ni Michelle ang Because I Love You na ang direktor ay si Joel Lamangan.

Mapapanood na ito sa mga sinehan sa June 26.

Dagdag niya, “I’m currently working on two other films and two other shows.

“One other ALV [Films] film, and then one APT [Entertainment, Inc.] film.

“Then may teleserye with GMA [Love You Two] and I have a talk show, Glow Up, every Sunday sa GNTV [online channel ng GMA].”

CURRENT ROLES

Nagkuwento si Michelle tungkol sa mga papel na ginagampanan at gagampanan niya sa kanyang current projects.

Una na rito ang role niya as Giana sa Because I Love You.

Continue reading below ↓

Detalye niya, “She’s very, how do I say… head-on, she’s very matigas.

“Matigas in a way na hindi niya hahayaan to let her lovelife get in the way of her career.”

Ayon pa kay Michelle, nakita niya ang ina niya at ang sarili niya sa naturang karakter.

Free-spirited naman daw ang role niya bilang si Sara sa G!LU na isa pa niyang pelikula sa ALV Films.

“With a twist in the end.

“But yun nga, she’s free-spirited, she’s a bartender, so she’s very interesting.

“Mochi naman in [GMA-7’s] Love You Two, she’s very maarte.

“Very, very maarte, very opposite of what I am right now.”

Host naman siya sa Glow Up na isang makeover show.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) si Michelle sa press conference ng Because I Love You na ginanap nitong nakaraang Huwebes, June 6, sa Chateau 1771 Events Place sa Ortigas Center.

Continue reading below ↓

LOVELESS BUT INSPIRED

Loveless si Michelle sa ngayon.

Hindi ba ito mahirap, lalo pa sa edad niya bilang isang ganap na dalaga na walang karelasyon at inspirasyon?

“Hindi ko naman masasabi na hindi ko naman po makukuha yung inspiration ko kung hindi thru love, because I’m a very inspired person

“And I’m like this without having relationships.

“I don’t believe that just because you’re not in a relationship, it means you’re cutting yourself short of something.

“For me naman kasi the only reason why I haven’t been in a relationship officially…

“I’ve dated around naman, I’ve had flings, pero I just wanna make sure that the person I give myself to, or the person I give the power to hurt me to, won’t do that.

“Ayoko sa manloloko! Na-trauma na ako sa nanay ko siguro, sa history niya,” at tumawa si Michelle.

Continue reading below ↓

Pahabol niya, “So I feel like that’s why I’m just really taking my time in finding the right one.”



Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michelle Dee on pageant plans: “Wala naman po akong sinabing ayaw ko. It’s just a matter of timing lang.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results