Vickie Rushton, Patch Magtanong among Binibining Pilipinas 2019 Top 15 finalists

by Nikko Tuazon
Jun 9, 2019
(L-R) Vickie Rushton and Bea Patricia Magtanong win special awards at Binibining Pilipinas 2019.
PHOTO/S: Courtesy of Missosology

Malapit nang pangalanan kung sino ang kokoronahan ni Catriona Gray bilang Miss Universe Philippines.

Kasalukuyang ginaganap ang grand coronation night ng Binibining Pilipinas pageant sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Sumalang ang Top 25 semi-finalists ng pageant sa swimsuit round at long gown competition.

Pagkatapos nito, pinangalanan na ang Top 15 na kandidata na sasabak sa question and answer portion.

Narito ang buong listahan:

1. Zamboanga City - April May Short

2. Dumaguete - Joahnna Carla Saad

3. Maguindanao - Resham Ramirez Saeed

4. Bataan - Bea Patricia Magtanong

5. Pampanga - Emma Mary Tiglao

6. Laguna - Leren Mae Bautista

7. Cebu City - Samantha Ashley Lo

8. Malabon - Jessica Marasigan

9. Pasig City - Maria Andrea Verdadero Abesamis

10. Marikina - Marianne Marquez

11. Palawan - Samantha Mae Bernardo

12. Sorsogon - Maria Isabela Galeria

13. Negros Occidental - Vickie Rushton

14. Talisay, Cebu - Gazini Ganados

15. Masbate - Hannah Arnold

Continue reading below ↓

Bago pangalanan ang Top 15 ng finalists, muling nagbigay ng special awards sa nasabing pageant.

Tatlo sa apat ang naiuwi ni Vickie. Kabilang dito ang Bb. Poten Cee Gandang Palaban 2019, Miss World Balance, at Miss Creamsilk.

Bb. Megawide naman ang naiuwi ng kandidata mula sa Bataan na si Patch Magtanong.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Vickie Rushton and Bea Patricia Magtanong win special awards at Binibining Pilipinas 2019.
PHOTO/S: Courtesy of Missosology
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results