Gazini Ganados crowned Miss Universe Philippines 2019

by Nikko Tuazon
Jun 9, 2019
Gazini Ganados is named the new Miss Universe Philippines at the Binibining Pilipinas 2019 grand coronation night held on Sunday, June 9, at the Araneta Coliseum.
PHOTO/S: @RealBbPilipinas on Twitter

Si Gazini Ganados mula sa Talisay, Cebu, ang itinanghal na Miss Universe Philippines 2019.

Ipinasa ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kanyang korona kay Gazini nitong Linggo ng gabi, June 9, sa grand coronation night ng nasabing pageant na ginanap sa Araneta Coliseum.

Tinalo ni Gazini ang 39 pang kandidata mula sa iba't ibang panig ng bansa.

Lima pang beauty queen ang pinarangalan sa grand coronation night ng pageant.

  • Bb. Pilipinas International 2019 - Bea Patricia Magtanong
  • Bb. Pilipinas Supranational 2019 - Resham Ramirez Saeed
  • Bb. Pilipinas Intercontinental 2019 - Emma Mary Tiglao
  • Bb. Pilipinas Grand International 2019 - Samantha Lo
  • Bb. Pilipinas Globe 2019 - Leren Mae Bautista

Itinanghal naman bilang first runner-up ang kandidata mula sa Pasig City na si Maria Andrea Verdadero Abesamis, habang second runner-up naman si Samantha Bernardo mula sa Palawan.

Dalawang special awards—ang Face of Binibini at Best in Long Gown—ang nakuha ni Gazini.

Dalawa rin ang naiuwing special award ni Bea Patricia. Ito ay ang Best in Swimsuit at Bb. Megawide.

Nakuha naman ni Emma Mary Tiglao ang Pitoy Moreno Best in National Costume at Miss Pizza Hut.

Anim na special awards ang naiuwi ni Vickie kahit hindi ito nanalo ng korona. Kabilang dito ang Bb. Poten Cee Gandang Palaban 2019, Miss World Balance, Miss Creamsilk, Manila Bulletin Reader's Choice Award, Miss Ever Bilena, at Jag Denim Queen.

Continue reading below ↓

Binibining Friendship naman ang naiuwi ni Sherry Ann Tormes mula sa Polangui, Albay.

Si Cassandra Chan ang nanalong Best in Talent.

Samantala, si Martina Diaz mula sa Muntinlupa ang tinanghal na Miss Philippine Airlines.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gazini Ganados is named the new Miss Universe Philippines at the Binibining Pilipinas 2019 grand coronation night held on Sunday, June 9, at the Araneta Coliseum.
PHOTO/S: @RealBbPilipinas on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results