Robin Padilla, Phillip Salvador visit Eddie Garcia in the ICU

by Bernie V. Franco
Jun 10, 2019
Phillip Salvador (left photo, far left) and Robin Padilla (right photo, left) visit veteran actor Eddie Garcia, who is now confined at the Makati Medical Center after figuring in an on-set accident last Saturday, June 8.
PHOTO/S: @robinhoodpadilla on Instagram

Binisita nina Robin Padilla at Phillip Salvador ang veteran actor na si Eddie Garcia sa NeuroSciences and Cardiovascular Intensive Care Unit ng Makati Medical Center nitong June 9, Linggo.

Nasa kritikal na kundisyon ang beteranong aktor matapos maaksidente sa isang eksena ng upcoming primetime series ng GMA-7 na Rosang Agimat.

Sa kanyang Facebook account ay nag-share ng dalawang video si Robin upang magbigay ng update sa kondisyon ng 90-year-old actor.

Sa unang video, mapapanood ang video clip nang mapatid si Eddie sa taping ng Rosang Agimat.

Kasunod nito ay nagpaliwanag si Phillip kung ano ang nangyari.

Ayon kay Phillip, mismong ang 90-anyos na aktor ang ayaw magpa-double sa action scene na kinunan.

Kinontra rin niya ang naunang balitang inatake sa puso diumano ang batikang aktor.

Saad ni Phillip, “Hindi po siya inatake. Mahusay po at matibay ang puso ni Eddie Garcia.

"Nadisgrasya po siya, naaksidente po siya.

"Sumabit po ang paa niya sa kable.

Continue reading below ↓

"Siya po ay 90 years old.

"So, hindi po siya nakabalanse, so bumagsak po siya at hindi maganda ang kanyang pagbagsak.

"Hindi po siya inatake gaya ng inyong narinig."

Dagdag niya, “Bilib po kami kay Eddie Garcia dahil ayaw ho niyang magpa-double, nobenta-anyos na po siya.

“Hinihiling po namin sa inyo ngayon, dasal para sa ating isa pang hari ng pelikulang Pilipino na si Eddie Garcia."

Continue reading below ↓

Sa mga larawan namang ibinahagi ni Robin sa Instagram, makikita ang pagbisita nila kay Eddie sa loob ng ICU at pakikipag-usap sa pamilya ng veteran actor.

Kasama nilang bumisita kay Eddie si Senator-elect Bong Go.

ROBIN, PHILLIP ASK FOR PRAYERS FOR EDDIE

Sa pangalawang video na ibinahagi ni Robin sa Facebook, ipinakita niya ang pinto ng kuwarto kung saan naka-confine si Eddie.

Continue reading below ↓

Mapapanood din ang masinsinang pakikipag-usap nina Phillip at Bong sa isang hindi tinukoy na babae.

Maririnig din sa video sa usapan kung gaano kaseryoso ang natamong injury ni Eddie.

Sa nakalap na impormasyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula kay Bibeth Orteza, malapit na kaibigan ng longtime partner ni Eddie na si Lilibeth, sinabi nito: “He tripped on a cable wire of the production. Fell face down and fractured something base neck c1and c2.”

Continue reading below ↓

Ang C1, C2, at C3, ay ang tatlong cervical nerves na kumukontrol sa movement ng ulo at leeg, ayon sa www.spine-health.com

Nagbigay rin ng mensahe sina Robin at Phillip sa mga nagtatanong tungkol sa kalagayan ng beteranong aktor.

“Siguro ang maitututulong natin sa oras na ‘to, mga dasal,” simula ni Robin sa video na ibinahagi ng GMA News sa Twitter.

“Huwag na muna po tayong gumawa ng mga haka-haka. Yun lang naman po ang pakiusap namin…

“Yung mga ganito pong pagkakataon kasi mas maganda yung totoong balita ang lumabas. Yun lang po.”

Sabi naman ni Phillip, “Sa lahat po ng fans ni Eddie Garcia, kailangang-kailangan niya po kayo ngayon.

“Tayong lahat, ipagdasal po natin siya na maka-recover po.

"Kasi po, dasal ang pinakamalakas na panlaban sa kahit anumang sakit."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Phillip Salvador (left photo, far left) and Robin Padilla (right photo, left) visit veteran actor Eddie Garcia, who is now confined at the Makati Medical Center after figuring in an on-set accident last Saturday, June 8.
PHOTO/S: @robinhoodpadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results