Iya Villania explains husband Drew Arellano tweet about their kids' privacy

by Bernie V. Franco
Jun 10, 2019
Couple Iya Villania and Drew Arellano are one in saying that people should ask permission for a photo and respect their kids' privacy when they are in a public place.
PHOTO/S: Noel Orsal

Ipinagtanggol ni Iya Villania ang asawang si Drew Arellano sa pahayag nito tungkol sa mga taong kinukunan ng larawan ang kanilang mga anak nang walang paalam.

Sina Drew at Iya ay may dalawang anak—sina Primo, 2 taong gulang, at Leon, 10 months old.

Noong March, sa pamamagitan ng Twitter, nanawagan si Drew na igalang ang privacy ng kanyang mga anak kung makikita sila sa mga pampublikong lugar.

Tweet ni Drew: “If I were to lose my cool and I'm usually cool about things, it would be to strangers who whip out their phones and take snaps of my 2 boys without asking. Please show a lil respect and etiquette, ladies and gents. #youdonotwanttoseemelosemycool

Continue reading below ↓

May iiang netizens ang hindi nagustuhan ang tweet ng Kapuso host at hinamon pa siyang iwanan na ang showbiz at itigil ang social media.

IYA VILLANIA SUPPORTS DREW ARELLANO

Ayon kay Iya, nauunawaan niya ang sentimyento ng kanyang mister.

Gusto lamang daw nilang protektahan ang kanilang mga anak.

“Only because there are some people sa sobrang tuwa, of course, minsan hindi na nila naiisip yung hindi nila nari-respect yung privacy, personal space…” sabi ni Iya sa presscon ng Home Foodie Season 5 noong Biyernes, June 7.

“I think Drew just want to put it out there just to remind them na, ‘I know natutuwa kayo sa anak ko, but when we're out as a family...'

"I guess, we try to give it to Primo and give it to the kids to enjoy their own time."

Sa parte naman ni Iya, pinagbibigyan niya ang mga nais magpa-picture sa kanyang mga anak, pero may hangganan daw ito.

Continue reading below ↓

“I totally understand Drew…

“There are times I feel if there are just one or two [requests for photo-op with Primo], I can accommodate.

“Pero when it gets a little too overboard, and I feel like it’s taking too much away from my kids, then even I set my limits.”

Inusisa ng PEP.ph si Iya kung wala bang nao-offend kapag pinagbabawalan niya ang mga nais magpalitrato sa anak.

“I mean, there’s always a way to say it. Just don’t be rude to them,” sagot ng Kapuso TV host.

EXPOSING PRIMO TO SOCIAL MEDIA

Tinanong din ng PEP.ph si Iya kung hindi ba siya nag-aaalala na masyado nilang ini-expose ni Drew ang anak na si Primo sa social media.

Laman si Primo ng social media accounts ng kanyang mga magulanng.

Paliwanag ng "Chika Minute" segment host ng 24 Oras, “I can’t help it, kasi nanay. 'Tsaka nakakatuwa siya.

Continue reading below ↓

“I’d like to see it in a way na good vibes siya.

"Siya yung good vibes na puwede kong i-share sa mundo. That’s how I’d like to see it.

“Siyempre, when people come to love him, I feel it’s also a way of parang he will also be more protected.

“I’d like to think, in turn, when people see him outside, that they will be cautious of him and somewhat protect him also.”

Hindi naman daw nababahala si Iya pagdating sa bashers.

“I’m really not worried about bashing. Wala naman tayong magagawa.

"Minsan nanahimik lang ang isang tao… Wala na tayong magagawa dun.

“My main purpose really is share happiness and good vibes.”

Nasa ika-limang season na ang Home Foodie, ang cooking show na hinu-host nina Drew at Iya.

Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA-7 pagkatapos ng Unang Hirit.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Couple Iya Villania and Drew Arellano are one in saying that people should ask permission for a photo and respect their kids' privacy when they are in a public place.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results