Former beauty queen Patty Betita draws flak for saying Daniel Padilla is "much nicer" than James Reid

by Bernie V. Franco
Jun 11, 2019
Former beauty queen Patty Betita takes to Twitter and apologizes to JaDine fans after being criticized for comparing Daniel Padilla and James Reid.
PHOTO/S: Instagram

Humingi ng paumanhin ang former beauty queen na si Patty Betita sa fans nina James Reid at Nadine Lustre, o JaDine, dahil sa panghuhusga niya kay James.

Nagsimula ito nang mag-post si Patty sa Instagram ng isang larawan kung saan kasama nila ng kapwa niya former beauty queens si Daniel Padilla.

Kuha ang nasabing larawan sa Smart Araneta Coliseum kung saan ginanap ang grand coronation ng Binibining Pilipinas 2019 noong Linggo, June 9.

Sina Daniel at James ay kapwa hurado sa ginanap na national beauty pageant.

Naroon naman si Patty at iba pang former beauty queens upang suportahan ang bagong batch ng Binibining Pilipinas candidates.

PATTY COMPARES DANIEL AND JAMES

Naka-private ang Instagram account ni Patty, pero nagawa ng nanggagalaiting fans ng JaDine na ma-screenshot ang mga post ng Bb. Pilipinas-International 1991.

Ni-repost ito ng JaDine fans sa social media at binatikos si Patty.

Sa unang screenshot, sinabi ni Patty na ang highlight ng kanyang gabi ay ang makapagpa-picture kasama si Daniel.

Continue reading below ↓

Sa sumunod niyang Instagram Story, ikinumpara ni Patty si Daniel kay James.

Caption ng former beauty queen: “Btw... Daniel Padilla is much nicer and more accommodating than James Reid #fortherecord”

Continue reading below ↓

Na-screenshot din ng JaDine fans ang comment ni Patty kung saan sinagot niya ang isang kaibigan sa Instagram na nagkomentong sa susunod ay gusto nito ng picture kasama sina James at Nadine.

Sagot ni Patty: “Hindi siya friendly!”


PATTY APOLOGIZES TO JADINE FANS

Dahil dito, sunud-sunod ang batikos ng JaDine fans kay Patty maging sa Twitter.

Continue reading below ↓

Banat ng ilang fans, hinusgahan ni Patty si James sa isang pagkakataong iyon.

Hindi man lang daw idinetalye ng former beauty queen kung bakit niya nasabing hindi friendly at hindi accommodating si James.

Nag-tweet si Patty tungkol sa pag-atake sa kanya ng JaDine fans nitong Lunes, June 10.

Inamin nitong hindi niya napagtanto ang bigat ng kanyang pahayag at humingi rin siya ng paumanhin.

Aniya, “I didn't realize the Gravity of what I thought was just my opinion .. obviously made so many #Jadine fans seething with anger attacking me.

"Ok, I sincerely apologise if I hurt your feelings.

"I judged an innocent guy and made a careless comment."

Continue reading below ↓

Nagpasalamat din si Patty sa mga nagpadala sa kanya ng mensahe upang hikayatin siyang magpaliwanag at mag-sorry.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former beauty queen Patty Betita takes to Twitter and apologizes to JaDine fans after being criticized for comparing Daniel Padilla and James Reid.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results