Martin del Rosario mourns death of pet cat

by Rommel Gonzales
Jun 11, 2019
Martin del Rosario says all of his family members are animal lovers. "Walang hindi mahilig sa animals."
PHOTO/S: Instagram

Ngluluksa ngayon si Martin del Rosario dahil sa pagkamatay ng pet cat niyang si Oreo ilang araw pa lamang ang nakalilipas.

“Oo nga, e. Namatay kasi iniwan ko sa bahay ng pinsan ko ‘tapos…

“May kaaway kasi siyang laging pusa doon, siguro tumakbo siya. Nabangga ng bumper siguro ng sasakyan.

“Kasi wala namang… hindi naman siya yung splatter, e.

“Nagkaroon lang ng… biglang nakita ko na lang sa ilalim ng sasakyan, may internal bleeding,” malungkot na kuwento ni Martin tungkol sa pagkamatay ng kanyang pusa na tatlong taon niyang inalagaan.

Malambing daw sa kanya ang pusa niyang palaging nakaupo o nakahiga sa tabi niya kapag natutulog si Martin.

Bigay raw ng kanyang pinsan si Oreo.

Continue reading below ↓

Pina-autopsy ni Martin si Oreo.

“'Tapos nakita may internal bleeding,” banggit niya.

Inilibing nila agad ang pusa sa garden sa likod ng bahay nila.

Mag-aalaga raw muli si Martin ng pusa bukod pa sa mga inalagaan niya ngayon.

“Oo, ang dami kong aso, mga anim yung aso ko. May mga pusa pa ako.

“Kasi sa family, animal lovers kaming lahat, walang hindi mahilig sa animals,” banggit pa ni Martin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa mediacon ng pelikulang Because I Love You, sa Café 1771 sa Julia Vargas, Ortigas, noong June 6, Huwebes.

BIGGEST ACHIEVEMENT IN SHOWBIZ

Sa sampung taon ni Martin sa showbiz, ano ang itinuturing niyang biggest achievement bilang artista?

“Itong last movie ko, achievement yun, kasi first time ko mag-lead sa isang mainstream movie,” pagtukoy niya sa Born Beautiful, kung saan gumanap bilang transgender woman.

“And eto, excited na naman ako, magkakaroon ako ng bagong lead ulit, sa The Panti Sisters, so exciting.”

Continue reading below ↓

Kaasama niya sa The Panti Sisters sina Paolo Ballesteros at Christian Bables.

Wala kayang sapawan na maganap?

Sagot ni Martin, “I’m sure walang sapawan dahil kanya-kanya kaming treatment sa character, kanya-kanya kaming… ibang-iba kaming lahat.”

Ang pagda-diet ang preparasyon ni Martin para sa pelikula.

“Kasi bawal mag-gym, kasi ako dun yung medyo malanding pa-demure na K-pop, e.

“Mag-aahit na naman ako ulit, masakit na naman, so… ganun talaga, tiis!”

Sa Because I Love You ay bida sina David Licauco at Shaira Diaz; kasama rin sa pelikula sina Michelle Dee, Timothy Lawrence Yap, at Samantha Lopez.

Produced ng ALV Films in cooperation with Garahe Films (distributed by Regal Films), ang Because I Love You ay mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Ipalalabas ito sa mga sinehan sa June 26.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Martin del Rosario says all of his family members are animal lovers. "Walang hindi mahilig sa animals."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results