Sophie Albert opens up about her bedridden father

by Rommel Gonzales
Jun 11, 2019
Sophie Albert on her bedridden father: "Yung state niya ngayon, mild stupor, parang one level above siya ng comatose."
PHOTO/S: Noel Orsal

Lingid sa kaalaman ng marami, 19 years nang nakaratay sa banig ng karamdaman ang ama ng Kapuso actress na si Sophie Albert.

“Ganun pa rin, stable. Stable, but same condition,” sagot ni Sophie nang kumustahin sa kanya ang kondisyon ng ama.

Ang kundisyon ng ama niya, ayon sa description ni Sophie: “Yung state niya ngayon, mild stupor, parang one level above siya ng comatose.”

Nagkagoon daw ang ama ni Sophie dahil sa heart attack at stroke.

Sabi pa ng aktres, “Nineteen years and without, like, yung usual complications ng mga people in his condition.

“Like, he doesn’t have bed sores. Wala.”

Wala ring life support system ang ama ni Sophie.

Normal daw lahat ng vital signs ng ama tulad ng blood pressure, pulse, at heart rate.

“Like, every thirty minutes, kailangan siya talagang i-turn o i-move.”

May private nurse daw ito.

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sophie sa taping ng Kapuso afternoon drama series na Bihag noong May 28.

KONTRABIDA ROLE

Napapanood ba ng ama ni Sophie ang mga “kasalbahihan” niya sa Bihag bilang kabit na si Reign?

“May TV siya sa room, pero hindi siya conscious kasi, e.

“Like, he wakes up and sleep. He’s mild stuperous, meaning, parang comatose.

"But only difference is that he can feel pain."

Nakakarinig ba ang ama niya kapag kinakausap nila?

“Ang sabi nila, oo daw. Pag in that state. yung the last to go kasi natin is our hearing.

“So, sinabi nila na he can hear you. But respond, wala.”

Forty-nine years old lang daw noon ang ama ni Sophie nang maging ganun ang kalagayan nito.

SOPHIE’S BOYFRIEND

On a different note, tinanong ng PEP.ph si Sophie kung hindi ba niya hinihikayat ang boyfriend na si Vin Abrenica na lumipat sa GMA-7 mula sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

“Parang gusto kong mag-isa muna dito!” at tumawa si Sophie.

“May work naman siya doon e, so…”

Walang planong lumipat si Vin?

“Parang hindi naman, kasi nabibigyan naman pa rin naman siya ng trabaho doon.”

May isyu tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN. Hindi ba niya hihilahin si Vin sa GMA-7 kung saka-sakali?

“Bahala siya, career niya ‘yan, e!” natawang sabi ng Kapuso actress.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sophie Albert on her bedridden father: "Yung state niya ngayon, mild stupor, parang one level above siya ng comatose."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results