Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados reacts to "most-bashed beauty queen" comment

by Bernie V. Franco
Jun 12, 2019
Newly-crowned Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados talks about her bashers and the tag that she is the "most bashed beauty queen."
PHOTO/S: Binibining Pilipinas Facebook

“Hindi pa rin siya nagsi-sink in, pero paunti-unti, parang slowly but surely...”

Ito ang bahagi ng pahayag ng newly-crowned Miss Universe Philippines 2019 na si Gazini Ganados.

Nakamit ng 23-year-old Tourism Associate graduate mula sa Talisay, Cebu, ang pinakamataas na korona sa grand coronation ng Binibining Pilipinas 2019, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum, sa Cubao, Quezon City, noong June 9, Linggo.

“It has always been my dream to be Miss Universe Philippines and you can reach your dream talaga.

"Parang sobrang saya. Si Lord talagang binigyan Niya ako ng pagkakataon," pahayag ng beauty queen sa panayam sa kanya ng ABS-CBN entertainment reporter na si Mario Dumaual.

Ayon pa kay Gazini, na-overwhelm siya sa nakita niyang suporta sa gabi ng koronasyon, lalo pa’t inakala nitong kaunti lang ang kanyang supporters.

“Nagulat din ako. There were people na nagbi-video na parang, while the coronation was happening, merong mga nagtatalunan, naghihiyawan, yung mga gumugulong.

Continue reading below ↓

"So, nakakatuwa.

“So thank you for the support, I really felt heartfelt yung love.

“Konti lang yung supporters ko na pumunta. Nasa gen ad [general admission] pa sila.

"Wow, almost all of the people were cheering for me."

Ito ang kauna-unahang beses na sumali si Gazini sa Binibining Pilipinas, pero nakasali na siya sa school pageants at regional pageant sa Bohol.

Unang national pageant niya ang Miss World Philippines noong 2014, kung saan nakapasok siya sa Top 15.

Pagpapatuloy ni Gazini, malaking tulong sa kanya ang pagiging modelo ng walong taon upang maging mahusay sa pagpu-project onstage.

“I’ve been a model for the past eight years, so I already mastered the art of putting a face in the camera, where your angles are… ganun.

“So, parang playing with the camera, so I got used to it already. In-apply ko lang siya.”

Continue reading below ↓

MOST-BASHED BEAUTY QUEEN

Nagkomento rin si Gazini sa nabasa niya online na siya raw ang “most-bashed beauty queen.”

May pageant enthusiasts kasi ang hindi kuntento sa isinagot ni Gazini sa question-and-answer portion, ang pinakakinatatakutang portion ng Binibining Pilipinas.

Pahayag niya, “Sabi nga ng vlog, may nabasa akong vlog, na I’m the most-bashed beauty queen.

"Sabi ko, parang hindi naman, kasi hindi ako nagbabasa, e.

“To my bashers, wala lang, thank you that you’re there.

“Because of you, hindi rin ako magiging motivated ayusin ang Q and A ko, kasi that’s their concerns for me nga—not well-articulated, yung hindi nakakasagot.

“I hope maging friends tayo kasi this is for the Philippines and I hope respect begets respect.”

Dagdag ni Gazini, “For as long you have the heart, it doesn’t matter of how you’re brought up.”

Continue reading below ↓

WHAT CATRIONA TOLD GAZINI

Ikinuwento rin Gazini na natameme siya nang tawagin ang kanyang pangalan bilang winner ng most coveted title noong gabing iyon—ang Miss Universe Philippines 2019.

“Everytime na nakikita ko yung video, yung pagka-crown ko, naiiyak pa rin ako, ’Totoo ba?’

"Halos di na ako makapaglakad towards Catriona that day. Na-starstruck ako.

“I remained in the middle of the stage 'tapos hinila na lang niya ako.

"Nakalimutan ko na lahat. Nag-stop ang mundo ko," pagbabalik-tanaw ng beauty queen.

Ang nagputong ng korona kay Gazini ay ang kanyang predecessor na si Catriona Gray, na siya ring reigning Miss Universe.

Natawa pa si Gazini nang alalahanin na nahulog ang korona sa kanyang ulo matapos itong iputong ni Catriona.

Ano ang sabi sa kanya ni Catriona?

“Sabi niya, 'Relax.' Kasi umiyak talaga ako, almost sobbing na yun.

“Sabi niya, “Relax, I know how you feel. You will feel this for the next weeks. Just enjoy the moment.'

Continue reading below ↓

"So, ayun, kumalma naman ako.

“Hindi ko talaga mapigilan ang emotions ko. It’s just a dream lang talaga.”

GAZINI HOPES TO MEET HER FATHER

Si Gazini ay anak ng isang Pinay isang Chavacano, habang ang ama naman niya ay isang Palestinian na hindi pa niya nakikita.

Umaasa siyang balang-araw ay makita at makilala ang ama para pasalamatan ito.

“Still hoping to meet him someday. I’m in no rush of meeting him.

"But someday, finally, [I hope] I will have the time to complete myself, my soul, and to thank him for the genes.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newly-crowned Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados talks about her bashers and the tag that she is the "most bashed beauty queen."
PHOTO/S: Binibining Pilipinas Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results