Cherie Gil shocked, sad about Eddie Garcia's on-set accident

by Glenn Regondola
Jun 12, 2019
Cherie Gil on legendary actor Eddie Garcia: "You know, the man is a strong man, and at 90 years old, he’s still pushing it."
PHOTO/S: Noel Orsal / Jerry Olea

Na-shock si Cherie Gil nang malaman at mabasa ang nangyari sa beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Unang napabalitang inatake sa puso si Eddie habang nagti-taping ng upcoming Kapuso teleserye na Rosang Agimat.

Pero kalaunan, ang pagkakapatid diumano niya sa cable wire na ginagamit sa taping ang naging dahilan kung bakit ito bumagsak at ngayon ay nasa kritikal na kundisyon sa Makati Medical Center.

Bilang isa sa nakatrabaho ni Eddie, ikinalulungkot ni Cherie ang nangyari sa isa sa haligi ng pelikulang Pilipino.

Pahayag ng 56-year-old actress, “I know, I was shocked and sad.

“I saw it in Sharon’s post when I read about it.

“You know, the man is a strong man, and at 90 years old, he’s still pushing it.

“We need still more prayers to keep going...”

Tuloy, naaalala ni Cherie ang pelikulang ginawa niya noong 1989 kung saan si Eddie ang kanyang direktor.

Continue reading below ↓

Pagbabalik-tanaw niya, “The one where he directed me and I won a Best Supporting [Actress], yung Imortal with Vilma [Santos].

“That was the year that I was...

“I remember na buntis ako, then I died [in the film].

“I didn’t know I'd win.”

Sabi pa ni Cherie, “As an actor also, he played my father many, many Viva Films. Ang galing-galing niya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cherie sa grand mediacon ng reality show na StarStruck 7 sa GMA Studio 7, sa Quezon City, noong June 10.

Si Cherie ay miyembro ng StarStruck Council na kinabibilangan din nina Heart Evangelista at Jose Manalo.

WORKING CONDITION IN THE ENTERTAINMENT INDUSTRY

Ayon sa ilang netizens, ang isang dahilan kung bakit may nangyayaring aksidente sa taping o shooting ay ang working condition na mayroon tayo sa local entertainment industry.

Pinupuna nila ang ilang bagay na kailangang i-improve at gawing maayos.

Continue reading below ↓

Ano ang take ni Cherie rito?

Saad niya, “You know, this has been an issue since way back.

“I remember, my father [Eddie Mesa] when I was 10 years old, naging ano siya, naging president siya ng Kapisanan ng mga Artistang Pilipino.

“I was only 10 years old or younger pa, and then, when I was helping him at the office, already then, nag-uumpisa na siya na magkaroon ng union.

“Then, kursilitista siya nun, so he would do carolling in Christmas just to buy cavans of rice for the elderly actors.

“Many of them, I remember, we’re going to their homes, quite humble homes, and some of them desperate.

“And so it was a sad sight.

“I was then young, and maybe a lot of things have changed, but not quite enough to give them proper treatment and safety, for every actor, that they deserve.

Continue reading below ↓

“And not just the actors, but everybody—the crew, stuntmen...”

Patuloy ni Cherie, “Sa umpisa, napag-uusapan ‘yan. ‘Hey, c’mon, let’s gonna do something.’

“And after that, hindi napa-follow through, walang follow through.

“And kasi, ang kailangan, matulungan kami ng... we can’t stand alone.

“We need to be professionalized, and in this case, we need the support of the government.

“Kasi, sino naman ang lalaban para sa amin if things are not going....

“It’s sad, it’s a sad plight.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cherie Gil on legendary actor Eddie Garcia: "You know, the man is a strong man, and at 90 years old, he’s still pushing it."
PHOTO/S: Noel Orsal / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results