Eddie Garcia suffers hypotension, still in critical condition

by Arniel C. Serato
Jun 13, 2019
Eddie Garcia "practically brain dead, even if his heart continues to function normally," says a source.
PHOTO/S: File

Nananatili pa ring nasa kritikal kundisyon ang beteranong aktor na si Eddie Garcia, 90.

Kasalukuyang naka-confine si Eddie sa Intensive Care Unit (ICU) ng Makati Medical Center.

Ayon sa latest medical report na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) maghahatinggabi ng Miyerkules, June 12, ng family spokesperson na si Dr. Tony Rebosa, stable na ang blood pressure ng veteran star matapos itong makaranas ng hypotension.

Saad niya sa text na ipinadala sa PEP.ph: "Mr. Eddie Garcia has been having episodes of hypotension (low blood pressure) but BP (blood pressure) at the moment is now stable again."

Nakaratay ngayon sa banig ng karamdaman si Eddie matapos itong madapa sa taping ng upcoming Kapuso primetime series na Rosang Agimat noong Sabado, June 8.

Nagtamo ng neck fracture ang veteran actor dahil dito.

TAKEN OUT OF LIFE SUPPORT?

May mga naglalabasang balita naman na milagro na lamang diumano ang kailangan ng aktor upang makaligtas sa kanyang kasalukuyang karamdaman.

Kaya naman ilang araw nang nananawagan ang pamilya ng dasal para sa kanyang maagap na paggaling.

Sa FunFare column ni Ricky Lo sa The Philippine STAR ngayong araw, June 13, na may titulong "Eddie Garcia may be taken off life support," isang source ang nagsabing si Eddie raw ay "unresponsive, practically brain dead, even if his heart continues to function normally.

Continue reading below ↓

"His condition was described as 'Glasgow coma, the lowest rate.'"

Isinangguni namin kay Dr. Rebosa ang balita at, ayon sa kanya, ang pamilya lamang daw ang makapagdesisyon ukol dito.

Gayunpaman, maraming dasal pa talaga ang kailangan para kay Eddie.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eddie Garcia "practically brain dead, even if his heart continues to function normally," says a source.
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results