Arjo Atayde bonds with Maine Mendoza and her Daddy’s Gurl co-stars

by Bernie V. Franco
Jun 13, 2019
Rumored couple Maine Mendoza and Arjo Atayde were spotted in a night out with her co-stars in GMA-7 sitcom Daddy's Girl and Oyo Sotto's wife Kristine Hermosa.
PHOTO/S: Photo from Instagram

Namataang magkasama ang rumored couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa isang night out.

Base sa larawang lumalabas ngayon sa social media, kasama ng dalawa ang co-stars ni Maine GMA-7 sitcom na Daddy’s Gurl—sina Oyo Sotto, Kevin Santos, Chichirita, at Chamyto.

Kasama rin ng grupo ang misis ni Oyo na si Kristine Hermosa.

Sa larawan ay makikita ang mahigpit na pagkakaakbay ni Arjo kay Maine.

Samantala, base sa Instagram post ni Chichirita, na gumaganap sa sitcom bilang Beauty, recent lang ang naganap na bonding na ito ng grupo sa isang bar.

Nag-post ang comedienne sa Instagram ng hiwalay na larawan kung saan kasama niya sina Maine, Kristine, Chamyto, at isang non-showbiz personality.

Matutukoy na ang suot nilang damit ay pareho ng mga suot nila sa larawan na kasama si Arjo.

Continue reading below ↓

Nai-post din sa Instagram ang video na kuha ni Chichirita, kung saan ipinakita niya ang mga kasama noong gabing iyon, kabilang na sina Maine at Arjo.

Continue reading below ↓

STILL NO CONFIRMATION

Wala pa ring direktang pag-amin mula kina Arjo at Maine sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Subalit maraming beses nang lumabas sa social media ang mga larawan nilang magkasama at sweet na sweet.

May mga larawan din silang kuha sa kanilang bakasyon abroad, kagaya na lamang sa Universal Studios Singapore nito lamang June.

Noong June 7, lumabas sa column ni Ricky Lo sa The Philippine STAR ang panayam niya sa ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez.

Inamin ng aktres na ipinakilala na ni Arjo si Maine sa kanya at sa kanilang pamilya noong May 23.

Sa tingin daw ni Sylvia ay seryoso na ang dalawa kung anuman ang namamagitan sa kanila.

“Para dalhin sa bahay at i-introduce sa pamilya namin at ipaglaban ang isa’t isa, kailangan pa ba ng eksplanasyon niyan?” bahagi ng pahayag ni Sylvia sa interview.

Inilarawan din ng aktres si Maine bilang “respectful and pleasant.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rumored couple Maine Mendoza and Arjo Atayde were spotted in a night out with her co-stars in GMA-7 sitcom Daddy's Girl and Oyo Sotto's wife Kristine Hermosa.
PHOTO/S: Photo from Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results