Lovely Abella still in disbelief after engagement to Benj Manalo

by Arniel C. Serato
Jun 14, 2019
Lovely Abella on wedding plans with fiancé Benj Manalo: "Waley pang plano. Di ko pa napi-feel na engaged na ako kasi after tumakbo ako airport para sa Riyadh show."
PHOTO/S: Courtesy: @benjmanalo on Instagram / Lovely Abella on Facebook

Nag-propose na si Benj Manalo, 31, sa longtime girlfriend at live-in partner nitong si Lovely Abella, 32, noong Martes, June 11.

Si Benj ay anak ng komedyanteng si Jose Manalo, habang si Lovely naman ay dating dancer na naging comedienne.

Magkasama sina Jose at Lovely sa weekly comedy-variety show ng GMA-7 na Sunday Pinasaya.

Ayon kay Lovely, wala siyang kaalam-alam na magpu-propose sa kanya si Benj sa isang pagtitipong kanilang dinaluhan.

Pahayag ng Kapuso comedienne sa kanyang Facebook post noon ding June 11: “Hindi ko alam, hindi ko alam ang ganitong pakiramdam, yung totoong wala akong alam, as in kahit konting kaba, wala talaga..

"Lagi niya kasing ginagawa sakin ang magpasalamat tuwing may mga ganitong pagkakataon...

"Ang galing mo babe @benj [clapping emojis] naplano mo lahat ng wala akong nahahalata, salamat sa pagmamahal, salamat sa lahat...

"alam kung di ako perfect, pero trying my best na maparamdam sayo ang pgmamahal na deserve m0!!

Continue reading below ↓

"Love you so much!! Finally [ring emoji]."

Clueless daw talaga si Lovely sa plano ni Benj na marriage proposal sa kanya.

Kuwento pa ng Bubble Gang actress, “Yung gulong gulo ako sa pangyayari.. una may ginagawa siyang music video, at humingi siya ng favor sakin mag cameo sabi pa niya ininvite niya mga friends ko, naisip ko tulong nga naman para mapromote lalo yung music video niya..

Continue reading below ↓

"pagdating ko kanina from embassy lahat sila, ang sabi bat ganyan suot mo para kang PTA teacher.. tapos wala pa din akong idea kung bakit, pero super nagpapasalamat ako kasi andon daw si @iamjnapoles @ilovekaye @kimsmolina @pepe.herrera @paengerzi @alexvmedina @powercaressing sabi ko wow full support sila nagpasalamat talaga ako sknila sa supporta nila..

"tapos hetong si @amazingbetong nagmamakaawa pa ako na sumama siya tulong kay benj sabi pa niya baka kailangan ipaalam sa artist center sa isip ko (ang arte naman nito) pero kinausap kunyari ng rm ko yung rm niya.. ang galing..

"tapos madalas talagang nagpapasalamat sakin si @benj everytime na may ganyang event siya di na bago sakin nahabaan lang ako,pero wala pa din akong idea..

"sorry di pa din ako makamove on ganito pala ang feeling.. [crying emojis]."

Continue reading below ↓

MARRIAGE PLANS

Sa pamamagitan ng Facebook messaging, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovely ngayong Biyernes ng umaga, June 14.

Ngayong engaged to be married na sila, may petsa na ba ang kanilang kasalan?

Sagot ni Lovely, "Waley pang plano.

"Di ko pa napi-feel na engaged na ako kasi after tumakbo ako airport para sa Riyadh show."

Magli-limang taon na ang relasyon nina Benj at Lovely sa Enero sa susunod na taon.

Si Lovely ay may anak na babae sa dati niyang karelasyon, habang si Benj ay may anak na lalaki sa dati ring girlfriend nito.

Tanggap daw ng kani-kanilang mga anak ang relasyon nila.

Congratulations!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovely Abella on wedding plans with fiancé Benj Manalo: "Waley pang plano. Di ko pa napi-feel na engaged na ako kasi after tumakbo ako airport para sa Riyadh show."
PHOTO/S: Courtesy: @benjmanalo on Instagram / Lovely Abella on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results