Anne Curtis assures Miss Sorsogon after microphone incident in Bb. Pilipinas

by Melba R. Llanera
Jun 14, 2019
Anne Curtis to Miss Sorsogon Maria Isabela Galeria: "I just told her she performed well that night and congratulations to her."
PHOTO/S: Binibining Pilipinas Facebook

Naging meme at online joke ang paghawak ng microphone ni Anne Curtis habang sumasagot si Miss Sorsogon Maria Isabela Galeria sa question-and-answer question portion ng Binibining Pilipinas 2019.

Ginanap ang grand coronation ng national beauty pageant sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo, June 9.

Pumasok sa Top 15 si Miss Sorsogon ngunit nabigo siyang makuha ang isa sa anim na korona.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Anne sa It's Showtime studio noong Miyerkules, June 12, tiniyak nitong walang dapat ipag-alala si Miss Sorsogon sa nangyari.

“Even si Maria Isabela, she also said na she woke up and she was a meme all of a sudden.

“I commented on her account and I said, ‘Don't worry about it, don't worry about the memes.’

“Minsan ganyan talaga ang madlang pipol, makukulit. Those little things, they make it big.

“I just told her she performed well that night and congratulations to her.”

Continue reading below ↓

Kinabukasan, after ng Binibining Pilipinas grand coronation, nakatikim naman ng pang-aasar si Anne mula sa co-host niya sa It’s Showtime na si Vice Ganda.

Biniro ni Vice si Anne na ang ganda-ganda ng gown nito noong gabing iyon, pero pinaghawak ng mic.

“Ganyan naman talaga si Vice, pangkulit lang naman niya yun!” natatawang reaksiyon ni Anne.

ANNE CURTIS AS BB. PILIPINAS HOST

Ito ang pangalwang beses na nag-host ng Binibining Pilipinas si Anne; ang una ay noong 2014.

Sabi nga niya, “Lots of fun, it's my second time already to host Binibining Pilipinas.

“It's always something to look forward to. I had a lot of fun.”

Pinag-usapan din ang mga gown na isinuot ni Anne sa Binibining Pilipinas.

Tatlong pamosong fashion designers ang gumawa ng kanyang gowns—sina Michael Cinco, Patty Ang, at Michael Leyva.

Si Liz Uy naman ang stylist niya noong gabing iyon.

Continue reading below ↓

Sabi ni Anne tungkol sa kanyang pag-e-effort, “Always naman. Alam ko na maraming madlang Mamangs na magagalit kapag di ako um-effort.”

Kitang-kita rin ang chemistry nila ng kanyang co-host na si Richard Gutierrez.

Kuwento ng Kapamilya actress, “It was good, and I felt if Chard was stressed in the past or nervous about it, we were able to talk about it and rehearsed.

“Feeling ko, mas na-relax naman siya kahit papaano.”

Binalak din ba niya noong sumali sa mga beauty pageant gaya ng Binibining Pilipinas?

Sagot ni Anne, “Never kong naisip.

“Maybe I just know I don't have the height. Never siyang pumasok.

“It takes a lot… it takes a lot of your life, I think, kasi it's a lot of stress, a lot of training, a lot of studying because, you know, a lot of social relevance.

“It's really hard. I have respect for women who do this.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anne Curtis to Miss Sorsogon Maria Isabela Galeria: "I just told her she performed well that night and congratulations to her."
PHOTO/S: Binibining Pilipinas Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results