Court acquits RJ Bautista, 5 others in Ramgen Revilla murder case

by Arniel C. Serato
Jun 14, 2019
Parañaque Regional Trial Court Branch 274 finds Ramon Joseph "RJ" Bautista (right) and five others not guilty in the murder of his brother, Ramgen Revilla (center), and frustrated murder case filed by Ramgen's ex-girlfriend Janelle Manahan (left).
PHOTO/S: Arniel Serato / File / Courtesy: Mon Gualvez of News5

Ipinawalang sala ng Parañaque Regional Trial Court (Parañaque-RTC) Branch 274 si Ramon Joseph "RJ" Bautista, limang iba pa, sa kasong pagpatay sa kanyang kapatid na si Ramgen Revilla.

Pinaslang si Ramgen noong October 28, 2011 sa sariling tahanan nito sa Parañaque City.

Pinawalang sala rin ang mga akusado sa frustrated murder case ng dating live-in partner ni Ramgen na si Janelle Manahan.

Ayon sa 144-pahinang desisyong ibinaba ng korte ngayong Biyernes, June 14, kulang sa ebidensiya ang prosekusyon laban sa mga akusado.

Ang desisyon ay pirmado ni Acting Presiding Judge Betlee-Ian J. Barraquias.

Continue reading below ↓

Kaugnay ng desisyong ito ng korte, pinalalaya na rin si RJ at ang mga kapwa-akusado nitong sina Michael Jay Narta, Roy Francis Tolisora, Galiza Visda, Jan Norwin dela Cruz, at Ryan Pastera.

Halos walong taon silang nakulong dahil sa kaso.

Nakasaad sa "Joint Judgment" para sa Ramgen Revilla murder case at Janelle Manahan frustrated murder case:

WHEREFORE, premises considered, this honorable court hereby finds the accused Ramon Joseph Bautista y Magsaysay, accused Michael Jay Nartea y Cruz, accused Roy Francis Tolisora y Herrera alias Kiko, accused Glaiza Visda y Rivera alias Glaiza Vista, accused Jan Norwin Dela Cruz y Gentelizo alias Toto, and accused Ryan Pastera y Montinola alias Bryan, NOT GUILTY and are hereby ACQUITTED of the charge against them in Criminal Case No. 11-1169 for Frustrated Murder of Janelle Ann Caren Manahan y Quintano and in Criminal Case No. 11-1170 for the murder of Ramgen Jose Bautista y Magsaysay for lack of sufficient evidence, and they are hereby ORDERED RELEASED from detention unless they are being held for some other valid or lawful cause."

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

PHOTO: Courtesy: Mon Gualvez of News5

Hindi nakasaad sa desisyon kung acquitted din ang isa pang akusado na si Ma. Ramona Bautista, kapatid nina RJ at Ramgen.

Sina RJ, Ramgen, at Ramona ay anak ng dating aktor at senador na si Ramon Revilla Sr. kay Genelyn Magsaysay.

THE FACE OF VICTORY

Base sa mga lumabas na litrato sa ginawang pagdinig kanina, bakas sa mukha ni RJ, sa ina nitong si Genelyn, at isa pang akusado ang kasiyahan sa desisyong pumabor sa kanila.

Continue reading below ↓

Sinaksak at binaril si Ramgen—23 taong gulang noong panahon ng kanyang kamatayan—ng hired killers na binayaran diumano ng mga nakababatang kapatid nitong sina Ramona at RJ.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parañaque Regional Trial Court Branch 274 finds Ramon Joseph "RJ" Bautista (right) and five others not guilty in the murder of his brother, Ramgen Revilla (center), and frustrated murder case filed by Ramgen's ex-girlfriend Janelle Manahan (left).
PHOTO/S: Arniel Serato / File / Courtesy: Mon Gualvez of News5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results