Mikey Bustos very happy for the overwhelming support after coming out as gay

by Arniel C. Serato
Jun 15, 2019
Mikey Bustos on coming out with his boyfriend RG Garcia: "It was a mutual decision between me and my partner. We’ve been dating for almost seven years now. So, it was just time. I’m almost 38 and I really wanted to be my most authentic self and deliver the message.”
PHOTO/S: Arniel Serato

Masayang-masaya ang YouTuber at vlogger na si Mikey Bustos, 37, na naging positibo ang pagtanggap ng mga tao sa kanyang pag-amin sa totoong kasarian at pagpapakilala sa kanyang nobyong si RG Garcia, 34, nitong nakaraang April 21, Easter Sunday.

Si Mikey ay isang Filipino-Canadian vlogger na sumikat dahil sa kanyang kuwela at nakakatuwang videos tungkol sa Filipino culture.

Si RJ—na kaibigan at kapitbahay ni Mikey sa tirahan niya rito sa Pilipinas—ay nagsilbing manager niya mula 2012.

Ano nga ba ang nagtulak sa kanila upang aminin na ang kanilang relasyon sa loob ng halos pitong taon?

Kuwento ni Mickey, “It was a mutual decision between me and my partner.

“We’ve been dating for almost seven years now.

“So, it was just time.

"I’m almost 38 and I really wanted to be my most authentic self and deliver the message.”

Hindi raw inaasahan ni Mickey ang mainit na suportang natanggap mula sa lesbian, gay, bisexual, transgender, queer (LGBTQ) community.

Continue reading below ↓

Saad pa nito, “It was all love, I didn’t expect that.

“And it gives me hope for the Philippines and the LGBTQ community.

“It’s been all love, nothing but love.”

Ngayong may mga bansa na pinapahintulutan na ang same sex marriage, may balak kaya silang magpakasal ni RJ?

Tugon niya, “Who knows, maybe sometime in the future.”

Ano naman ang payo niya sa mga hindi pa nagka-come out?

Nakangiting sagot ni Mickey, “First of all, no schedule.

"There’s no schedule, the universe will prepare the right moment for you to say 'I am who I am.'"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikey sa launching ng bago niyang campaign bilang tourism ambassador ng Taipei, Taiwan sa bansa na #UndiscoveredTaipei.

Ginanap ang presscon sa Rizal Ballroom ng Makati Diamond Residences, Makati City, kahapon, June 14.

Sa nasabing presscon, nagpakita ng suporta ang kanyang boyfriend na si RJ na asikasung-asikaso sa mga dapat gawin ni Mikey sa event.

Continue reading below ↓

#UNDISCOVERED TAIPEI

Pangalawang taon na ni Mikey bilang ambassador ng Taipei sa bansa.

Nagustuhan ng Taipei government ang impact ng kanyang mga vlogs tungkol sa kanilang lugar kaya naman lumobo raw ang turismo roon.

Ngayon, inilunsad naman ang bago nilang campaign na #UndiscoveredTaipei.

Continue reading below ↓

Kuwento pa niya, “It’s my second year as ambassador and I’m truly honored and grateful for this and to be able to visit Taipei.”

Isa raw sa mga gusto niyang lugar doon ay ang Beitou Hot Spring pati na ang kanilang mga pagkain kabilang na ang Stinky Tofu.

Ang Taiwan din ang pinaka-latest sa mga bansang nag-apruba ng same-sex marriage. Inaprubahan ang batas na kumikilala sa kasal ng dalawang taong may parehong kasarian nitong May 17 lang ng taon na ito.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mikey Bustos on coming out with his boyfriend RG Garcia: "It was a mutual decision between me and my partner. We’ve been dating for almost seven years now. So, it was just time. I’m almost 38 and I really wanted to be my most authentic self and deliver the message.”
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results