Bea Alonzo opens up about reunion with John Lloyd Cruz in Palawan

by Arniel C. Serato
Jun 15, 2019
Bea Alonzo on recent reunion with John Lloyd Cruz: "I was happy to see him. We had a good time there, 'no? We were with friends also. But I can't disclose what it's for."
PHOTO/S: Courtesy: @beaalonzo / @johnlloydcruztm on Instagram

Ikinagalak ni Bea Alonzo ang positibong pagtanggap ng netizens sa muling pagkikita nila ng kanyang perennial loveteam partner na si John Lloyd Cruz sa El Nido, Palawan nitong nakaraang June 11.

Ayon sa ulat ng TV Patrol Weekend ng ABS-CBN ngayong gabi, June 15, masaya daw ang aktres at muli silang nagkita ni John Lloyd.

Kuwento pa ng Kapamilya actress, “Natutuwa ako na malaman na maganda yung reactions ng mga tao.

“It makes me feel happy, e, kasi parang ang tagal na rin naming nagkatrabaho at ang tagal na rin namin nawala together on screen.”

Ang huling pinagsamahang trabaho nina Bea at John Lloyd ay ang pelikulang One More Chance, na ipinalabas noong 2007.

May sampung pelikula at walong teleserye na silang pinagsamahan sa ABS-CBN.

NEW PROJECT TOGETHER?

Para sa isang proyekto nga ba ang pakay sa kanilang pagkikita sa Palawan?

Pabirong sagot niya, “Secret, e. Di, joke lang. Hindi.

Continue reading below ↓

“But I was happy to see him.

“We had a good time there, ‘no?

“We were with friends also.

“But I can’t disclose what it's for.

“Di naman siya nagtago.

“Nagpahinga lang siya.

“We never lost contact.”

Bukas naman daw siya na muling makatrabaho si John Lloyd sakaling mag-showbiz comeback ito mula sa kanyang indefinite leave sa showbiz.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo on recent reunion with John Lloyd Cruz: "I was happy to see him. We had a good time there, 'no? We were with friends also. But I can't disclose what it's for."
PHOTO/S: Courtesy: @beaalonzo / @johnlloydcruztm on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results