John Lloyd Cruz posts photo with Bea Alonzo on the set of their reunion project

by Bernie V. Franco
Jun 17, 2019
Fans and netizens speculate about the reunion project of John Lloyd Cruz and Bea Alonzo after photos of the former loveteam partner in Palawan circulated online.
PHOTO/S: Photos from Instagram

Nagpahiwatig ba si John Lloyd Cruz na para sa isang proyekto ang pagkikita nila ni Bea Alonzo?

Nitong Linggo, June 16, nagbahagi si John Lloyd sa Instagram ng ilang larawan nila ni Bea habang nasa may beach front kasama ang ilan pang katao.

Dito ay makikitang nag-uusap si John Lloyd at ang nakatalikod na si Bea.

Nag-post din si John Lloyd ng ilan pang larawan na tila behind-the-scenes.

Karamihan sa mga shot ay sa may dagat kinunan. May kuha ring nakasakay sila sa bangka at ang isa naman ay sa yacht.

Base sa post ng fans ng dalawa, kinunan ang mga larawan sa Palawan.

Hindi naman tukoy kung ito ba ay para sa isang proyekto o endorsement.

Sa interview ni Bea na umere sa TV Patrol nitong June 15, Sabado, hindi rin niya ibinunyag kung para saan ang pagkikita nila ng perennial leading man.

Continue reading below ↓

JOHN LLOYD AND BEA ON THE SET

Pero base sa maiksing caption ni John Lloyd ngayong Linggo, June 16, matutukoy na para sa isang produksiyon ang pagsasama nila muli ni Bea.

“Set namin,” simpleng caption ng aktor.

Sa isa pang nag-leak na video online na ibinahagi ng fans nina John Lloyd at Bea, mapapanood ang pagbibigay ng instructions ng isang tao—na posibleng direktor—para sa blocking ng isang eksena kung saan kasama sina John Lloyd at Bea at tila mga extra.

Continue reading below ↓

Makikita rin sa video na may camera na naka-mount sa tripod ilang talampakan mula sa kinauupuan ng former love team.

Unang nakilala ang tambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa 2002 ABS-CBN teleserye na Kaytagal Kang Hinintay.

Kabilang pa sa mga pinagtambalan nilang teleserye ay ang It Might Be You (2003), Maging Sino Ka Man (2006), Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik (2007), I Love Betty La Fea (2008), at A Beautiful Affair (2012).

Continue reading below ↓

Sa pelikula naman, karamihan sa mga pinagtambalan nilang pelikula ay box-office hits kagaya ng One More Chance (2007), Miss You Like Crazy (2010), The Mistress (2012), at A Second Chance (2015).

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fans and netizens speculate about the reunion project of John Lloyd Cruz and Bea Alonzo after photos of the former loveteam partner in Palawan circulated online.
PHOTO/S: Photos from Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results