GMA-7 news anchor Mike Enriquez recalls wife crying when he got a death threat

by Rachelle Siazon
Jun 17, 2019
GMA-7 news anchor Mike Enriquez on doing fearless reportage: "Ang laking kasalanan nun sa propesyon natin—na tatahimik tayo... Kaya ang philosophy namin about threats—gawin ang lahat ng pag-iingat, at ituloy lang yung mga kailangan gawin bilang professional broadcasters."
PHOTO/S: Noel Orsal

Inamin ni Mike Enriquez, 67, na minsan na siyang nakatanggap ng death threat dahil sa matapang niyang pagbabalita bilang beteranong news anchor ng GMA-7.

Umabot daw sa puntong iniyakan siya ng misis niya dahil sa sobrang pag-aalala sa kanyang kaligtasan.

"Nung minsan mataas yung level of threat, na pati siya kinailangan bigyan ng security, umiiyak yung misis ko," lahad ni Mike, na isang mamamahayag mula pa noong 1969.

Patuloy niya, "Nabasag ang puso ko dun, e. Kasi nga, parang feeling ko nun, nadamay ko lang siya dahil sa trabaho ko.

"Sabi niya, 'Mike, ano ba 'tong pinasok nating ito?' Take note, 'pinasok nating ito.'"

Sa sobrang seryoso ng banta sa kanilang buhay, hanggang sa pagpunta nila sa banyo ay may nakasunod pa raw sa kanilang security detail, na bigay sa kanila ng Kapuso network.

"E, sa akin, OK lang yun. Siya, di siya sanay sa ganoong buhay," balik-tanaw ni Mike.

Nagpapasalamat na lang daw si Mike dahil suportado ng kanyang pamilya ang pagmamahal niya sa trabaho bilang mamahayag.

Continue reading below ↓

"Pero hindi niya ako sinabihan direkta, 'Umalis ka na diyan sa trabaho mo.'

"Never, since nagkakilala kami," buong-pagmamalaking sabi ni Mike tungkol sa kanyang asawa.

Dagdag niya, "Alam niya kung gaano ako ka-passionate sa ginagawa ko.

"At alam din niya na wala akong ibang alam gawin kung hindi ito, e."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mike sa media launch ng Dobol B Sa News TV, para sa mas mahabang air time ng DZBB radio shows na mapapanood sa Channel 27.

Ginanap ito sa 17th Floor ng GMA Network Center sa Quezon City, noong Huwebes, June 13.

Bukod sa pagiging news anchor ng 24 Oras, radio host din si Mike sa mga programang Super Balita Sa Umaga Nationwide, Saksi Sa Dobol B, at Sino?

ON DEALING WITH THREATS

Payo ni Mike, kailangan talaga ng tibay ng loob ang sinumang susuong sa pagiging broadcast journalist.

"Kung meron mang threat, kailangan namin tanggapin yun, dahil pinasok namin yung propesyon na ito.

Continue reading below ↓

"Kapag pinasok mo itong propesyon na ito at ginagawa mo yung ginagawa mo, dapat handa ka.

"Ang importante ay mag-ingat lang."

Mayroon daw security consultants ang GMA-7 na umaalalay pagdating sa pagbibigay ng pag-aalaga sa kanilang kaligtasan.

"Kapag nakinig ka sa security consultant kung ano ang dapat mong gawin o hindi mo dapat gawin, hindi ka na lalabas ng bahay, serious.

"Hindi na normal ang buhay mo. Wala ka nang buhay kung susundin mo sila.

"At yun ang talagang gustong mangyari nung mga nagbabanta, ma-terrorize ka, na huwag kang kumilos, tumahimik ka na lang.

"At ang laking kasalanan nun sa propesyon natin—na tatahimik tayo."

FEARLESS REPORTAGE

Paano balansehin ang pag-iingat at paninindigan sa trabaho?

"Kaya ang philosophy namin about threats ganito—gawin ang lahat ng pag-iingat, at ituloy lang yung mga kailangan gawin bilang professional broadcasters.

"Take all necessary precautions. Keep the fire burning," seryosong sagot ni Mike.

Continue reading below ↓

Sabay biro niya, "Wow, English!"

Sa huli, sinabi ni Mike na hindi niya ma-imagine ang sarili na nasa ibang larangan ng trabaho.

"Lahat kami dito, siguro naman, will agree—hindi kami puwede magtrabaho sa banko.

"Sasablay kami. Hindi namin linya yun.

"Kanya-kanya tayong linya sa buhay. May kanya-kanya tayong propesyon."

Naalala rin ni Mike ang isang usapan nila ng kasamahan niya sa Sino? at Dobol A Sa Dobol B radio host na si Ali Sotto.

"Sabi nga ni Ali sa akin, may kanya-kanya tayong lugar sa mundo na dun tayo nilagay ni Lord."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7 news anchor Mike Enriquez on doing fearless reportage: "Ang laking kasalanan nun sa propesyon natin—na tatahimik tayo... Kaya ang philosophy namin about threats—gawin ang lahat ng pag-iingat, at ituloy lang yung mga kailangan gawin bilang professional broadcasters."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results