David Licauco admits dating non-showbiz Chinese girl

by Rommel Gonzales
Jun 17, 2019
David Licauco on why he prefers non-showbiz girlfriend: "I don’t wanna judge, pero parang medyo shallow kasi yung relationship ng mga laging nasa TV, laging nasa Instagram, pinu-post."
PHOTO/S: Jerry Olea

Inamin ng Kapuso hunk na si David Licauco na may love life siya ngayon.

“I’m dating, I’m dating,” sabi ni David sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng pelikulang Because I Love You noong June 6, Huwebes.

Schoolmate at non-showbiz daw ang idini-date niya ngayon.

Inamin din ni David na may mutual understanding (MU) na sila ng babae na isang Chinese.

“I prefer kasi Chinese talaga,” paliwanag ng Filipino-Chinese actor.

Nilinaw ni David na hindi siya bawal makipag-date sa hindi Chinese.

“Actually ang dad ko, hindi siya Chinese, e! Yung mom ko is Chinese.”

Bakit mas preferred niya ang isang Chinese girl?

Tugon ni David, “Siguro kasi yung culture ko in high school, I grew up with Chinese people, my friends are mostly Chinese.

“So, I guess, yung… alam mo yun, like, parang for me kasi, kung mag-showbiz ka na girlfriend, parang... I dunno, parang dikit rin sa intriga.

Continue reading below ↓

“And medyo ano lang, I don’t wanna judge, pero parang medyo shallow kasi yung relationship ng mga laging nasa TV, laging nasa Instagram, pinu-post.

“I find it really, parang, ‘Bakit kailangan i-post yung mga ganyan?’

“Ayokong… parang hindi ko gusto yung couple goals?

“Parang for me, hindi siya… for me, mas okay yung, alam mo yun, low-key.

“Kung mahal mo talaga yung isang tao, bakit mo kailangan ipakita sa…”

So, hindi siya magpu-post sa social media ng tungkol sa relationship niya?

“Since I’m in showbiz, I wouldn’t post my girlfriend,” sabi ni David.

Hindi kaya isipin naman ng (future) girlfriend ni David na hindi niya ito mahal o ipinagmamalaki?

“Siguro she understands my work naman, with what I do.

“Siyempre sometimes, medyo.

“For sure, kung magkakaroon ako ng girlfriend next time, for sure, mag-aano yun.

Continue reading below ↓

“Pero feeling ko, kung ia-assure ko naman siya all the time, sasabihin ko na, ‘Hindi ako nagkulang sa ‘yo, pagmamahal, sa attention,’ sa mga ganyan, sa mga ganung bagay.

“Magiging okay naman siguro.”

COMFORTABLE ABOUT HIS BODY

Samantala, tinanong din namin si David kung kumportable ba siya kapag may eksenang topless siya sa pelikula o teleserye.

Saad niya, “I started out kasi sa modelling, e. Di ba, sa modelling kailangan mong maghubad talaga?

“Kumbaga, iyon yung selling point kasi sa modelling before.

“So, I guess, medyo comfortable naman ako right now.”

Medyo naiilang lang daw siya kapag nagbi-briefs siya bilang endorser ng isang clothing line.

“Siguro iyon lang yung medyo naiilang pa ako.”

Rebelasyon pa ni David, napapagalitan siya ng parents niya, lalo na ng kanyang ina, kapag nakikita na naka-underwear siya sa pictorial.

Conservative daw kasi ang mga ito.

Continue reading below ↓

Paano nagalit ang mother niya?

“‘O, David, hubad na naman?! Ano ‘yan? Last na ‘yan, ha?’

“Something like that. Sabi ko, ‘Ma, sige! Last na ‘to.’”

Wala raw kaso sa mother niya kung shirtless siya tulad ng ilang eksena niya sa Because I Love You at sa isa pa niyang pelikula na G!LU.

Ang ayaw raw ng ina niya ay kapag naka-briefs o underwear siya sa pictorial.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
David Licauco on why he prefers non-showbiz girlfriend: "I don’t wanna judge, pero parang medyo shallow kasi yung relationship ng mga laging nasa TV, laging nasa Instagram, pinu-post."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results