Julie Anne San Jose, Christian Bautista admit pressure doing concerts without Regine Velasquez

by Bernie V. Franco
Jun 18, 2019
Kapuso singers Julie Anne San Jose and Christian Bautista say they feel the pressure performing in concerts without Regine Velasquez. The three singers were together in a series of concerts last year.
PHOTO/S: Noel Orsal

Inamin nina Julie Anne San Jose at Christian Bautista na ramdam nila ang pressure na mag-concert nang wala si Regine Velasquez.

Pinaghahandaan nina Julie Anne at Christian sa kasalukuyan ang second leg ng The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only na bahagi ng Kapuso Concert series.

Noong 2018, magkakasama sina Julie Anne, Christian, at Regine sa concert series na 3 Stars, 1 Heart sa loob at labas ng bansa.

Noong October 2018 ay lumipat sa bakuran ng ABS-CBN si Regine.

Nagpatuloy ang concert series, ngunit sina Julie Anne at Christian na lang ang natira.

Sa presscon ng Cagayan de Oro leg ng concert nila, tinanong sina Julie Anne at Christian kung ano ang pagkakaiba ng kanilang concert ngayon.

Natawa si Julie Anne at ibinisto na bumulong si Christian na ang pagkakaiba ay “wala nang poste sa gitna,” na marahil ang tinutukoy ay hindi na nila kasama sa concert ang Asia’s Songbird.

Continue reading below ↓

Aminado naman si Christian na may nerbiyos ngayong hindi na nila kasama si Regine.

“Yeah, of course, mas may pressure. Of course, meron, kasi wala ka nang Regine Velasquez.

“Pero na-prove naman namin sa last show na kaya. Second leg na nga,” pahayag ni Christian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang members of the press pagkatapos ng presscon proper ng The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only nitong June 17, Lunes.

Nangyari ang first leg ng kanilang concert sa sa Iloilo City noong January.

Dugtong naman ni Julie Anne, “Kakayanin and mas naiisip namin na mas galingan pa natin, so mas namo-motivate kami to do our craft better.”

Patuloy pa rin naman daw ang komunikasyon nila kay Regine kahit magkaiba na sila ng networks.

Ani Christian, nagpapalitan sila ng mensahe sa social media.

Sabi naman ni Julie Anne, “Sometimes I text her or message her. Nagre-reply naman si Ate [Regine]. Kinikilig pa rin ako.”

Continue reading below ↓

JULIE ANNE, CHRISTIAN ON INTERNATIONAL CAREER

Busy man sila locally, hindi pa rin naman daw isinasantabi nina Julie Anne at Christian ang kanilang pangarap magkaroon ng international career.

“Lahat naman po tayo may pangarap na mag-step in another level, na makapasok sa international scene,” sabi ni Julie Anne.

Malaking tulong daw na nadadala nila ang kanilang shows abroad sa tulong ng GMA Pinoy TV.

“Siguro po sa akin, ayoko pong i-set aside. Open naman po ako sa kahit anong opportunity.

“I just want to keep elevating myself and keep doing better when it comes to my craft.”

Sabi naman ni Christian, patuloy pa rin siyang tinatangkilik ng kanyang fans sa Indonesia.

“I still go to Indonesia every time there are events there, and I’m planning a new single to be released there very soon, a new album as well for the Philippines, and for Indonesia as well.”

Continue reading below ↓

Ang second leg ng The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only ay gaganapin sa The Atrium, Limketkai Center, Lapasan, Cagayan de Oro, sa July 6.

Makakasama rin nina Christian at Julie Anne sina Kyline Alcantara, Donita Nose, at Super Tekla.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso singers Julie Anne San Jose and Christian Bautista say they feel the pressure performing in concerts without Regine Velasquez. The three singers were together in a series of concerts last year.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results