Jake Cuenca affirms loyalty to ABS-CBN amid franchise renewal issue

by Rose Garcia
Jun 18, 2019
Jake Cuenca on ABS-CBN: "Sila, nagsugal sila sa akin noong panahong walang sumusugal sa akin. Kahit sa panahon na dehado o panahon ng ginhawa, nandito ako para sa ABS."
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa kabila ng balita tungkol sa isyu ng expiration ng franchise ng ABS-CBN, nanatiling loyal si Jake Cuenca sa Kapamilya network.

“Ang alam ko lang, like ako, binigyan ako ng kontrata. So it shows kung ano ang confidence na dala-dala ng ABS,” sabi ni Jake sa press conference ng pelikulang KontrAdiksyon noong Hunyo 14, Biyernes, sa Sequoia Hotel, Quezon City.

Natanggap niya ang unang draft ng two-year contract noong isang linggo.

Pahayag ni Jake, wala silang ideya kung ano ang totoong estado ng ABS-CBN Network—kung expired na ang franchise nito sa Marso 30, 2020.

Positibo lang si Jake.

Ayon sa Kapamilya actor, “Hindi namin alam ang totoong estado na nangyayari, pero kaming mga taga-ABS, nandoon kami para rin sa ABS.

“Sila, nagsugal sila sa akin noong panahong walang sumusugal sa akin.

"Kahit sa panahon na dehado o panahon ng ginhawa, nandito ako para sa ABS.

“Nagpakita sila ng kontrata sa akin, hindi natin alam kung saan papunta.

Continue reading below ↓

"Kung digital man ‘yan or network, ako, ABS pa rin."

JAKE CUENCA IN ACTION

Marami na siyang nagawang pelikula. Ano ang kaibahan ng KontrAdiskyon?

“Action!” sagot agad ni Jake.

“Hindi lang sa part ko kundi maging kay Kris [Bernal], action siya.

"Hindi ko rin naman masasabi sa iba kong leading ladies na hindi sila nag-a-action.

“Pero game na game si Kris kahit sa mga mahihirap na eksena at nagtulungan din naman kami.”

Natutuwa si Jake na nabigyan sila ni Kris ng pagkakataong magkasama sa movie dahil noong nasa GMA Network pa siya, hindi sila nag-abot.

“Fifteen years na rin pala yun. So, ang ganda ng oportunidad na ibinigay sa amin na pinagsama-sama ang mga artista ng ABS at GMA.

“Ang gandang panoorin ng pelikula, kasi hindi nila nakikita sa TV. Sulit ang ibabayad nila sa mapapanood nila.”

Halos isang taon daw nilang ginawa ang pelikula.

Continue reading below ↓

Pero para kay Jake, maganda ang timing nila na sa June 26 ito ipalalabas.

“Timing din, kasi parang pinatapos muna rin ang malalaking Hollywood films.

"So, parang perfect timing din."

Kasabay ng KontrAdiksyon ang showing ng Because I Love You na pinagbibidahan nina David Licauco at Shaira Diaz.

Sa Hunyo 27 naman ang playdate ng supernatural horror film na Annabelle Comes Home.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Cuenca on ABS-CBN: "Sila, nagsugal sila sa akin noong panahong walang sumusugal sa akin. Kahit sa panahon na dehado o panahon ng ginhawa, nandito ako para sa ABS."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results