Bianca, Enchong, Agot cry foul after Malacanang downplays Chinese vessel ramming PH boat

by Rachelle Siazon
Jun 18, 2019
(L-R) Bianca Gonzalez, Enchong Dee, Agot Isidro, Jasmine Curtis Smith cry foul over the injustice with Chinese vessel ramming into a Philppine boat at West Philippine Sea.
PHOTO/S: @iamsuperbianca / @mr_enchongdee / @agotisidro / @jascurtissmith Instagram

Inalmahan ng ilang artista ang pambabalewala ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos umanong banggain at abandonahin ng isang Chinese vessel ang isang Philippine boat sa West Philippine Sea.

"Halos tatlong oras" na nagpalutang-lutang sa karagatan ang 22 Filipino fishermen na papauwi na sana sa San Jose, Occidental Mindoro nang mangyari ang insidente noong June 9.

Ayon sa salaysay ni June Insigne, kapitan ng lumubog na Philippine boat, sigurado silang Chinese vessel ang bumangga sa bandang likuran ng kanilang bangka.

Ito ay dahil sa ang nakita raw nilang "big superlights" ay isang kilalang feature ng isang Chinese vessel.

Sa halip daw kasi na tumulong ang Chinese vessel sa pagsagip sa mga mangingisdang sakay ng lumubog na bangka ay inabandona raw sila nito.

Kuwento pa rin ni Insigne, makalipas ang ilang oras ay namataan niya sa kalayuan ang ilaw ng isang Vietnamese ship, "limang milya" ang layo sa kanila.

Pinasagwan daw niya sa dalawang tao papunta sa Vietnamese ship, na siyang sumagip sa 22 Pinoy na mangingisda.

Continue reading below ↓

PRESIDENT DUTERTE'S STATEMENT

Kahapon, June 17, nagsalita si Pangulong Duterte na hihintayin muna niyang magkaroon ng pormal na imbestigasyon sa nangyaring "maritime incident" bago siya gumawa ng anumang aksyon.

Sabi ng Pangulo sa isang bahagi ng kanyang speech sa anniversary ng Philippine Navy:

"Banggaan lang ng barko 'yan. Do not make it worse because that's a fertile ground for...

"Alam niyo yan mga sundalo, miscommunication 'yan, patay na. And we are not yet as ready and we can never be ready in a nuclear war.

"Because in a nuclear war, kung bitiwan lahat yan, earth will dry up and we will all be destroyed, and that is the end of everything."

BIANCA GONZALEZ, ENCHONG DEE

Isa ang Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez sa mga artistang naunang umapela na sana ay aksiyunan ng gobyerno ang pang-aapi sa mga Pinoy na mangingisda sa sariling teritoryo ng mga ito.

Sinabi rin niyang "nakakadurog ng puso" ang ganitong sitwasyon ng sariling mga kababayan.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nag-retweet din si Bianca ng ilan pang pag-alma ng ibang personalidad sa umano'y hindi makatarungang insidente.

Kabilang dito ang pagkondena ni Enchong Dee sa hayagang pambu-bully umano ng China sa Pilipinas.

AGOT ISIDRO, KIANA VEE

Diretsahan namang inalmahan nina Agot Isidro at Kiana Valenciano ang sinabi ng Pangulo na simpleng "banggaan lang" ang nangyari sa pagitan ng Chinesel vessel at Philippine boat sa West Philippine Sea.

Continue reading below ↓

Base ito sa ni-retweet ni Agot na news article tungkol sa posisyon ni Pangulong Duterte sa insidente.

Ani Agot, sadyang walang pakialam si Pangulong Duterte sa kapakanan ng mga sangkot na mangingisda.

Sabi pa ni Agot: "What happened in Recto Bank is a sampling of what will happen (or maybe happening already) to our whole country.

Continue reading below ↓

"We are being bullied by the Chinese, leaving us pretty much on our own.

"And guess who’s being friendly with the bully? Go figure"

Tweet naman ni Kiana, hindi na siya nasopresa sa reaksiyon ng Pangulo na "banggaan lang" ang pagbangga ng Chinese vessel sa Philippine boat.

Continue reading below ↓

JASMINE CURTIS-SMITH

Tila napataas naman ang kilay ng Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith nang mabasa ang news item kung saan sinabi ni Department of Energy Secretary Alfonso Cusi na "daplis" lang ang sinapit ng lumubog na Philippine boat.

Sinabi rin ni Cusi na kung talagang intentional ang pagbangga ng Chinese vessel ay dapat diniretso na nito ang pakikipagsalpukan sa Philippine boat.

Tweet ni Jasmine ukol dito: "DAPLIS LANG?!?!?????? WOW."

Continue reading below ↓

JIMMY BONDOC

Sa kabilang banda, si Jimmy Bondoc na kilalang masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte ay may maiksing mensahe hinggil sa isyu.

Ito ay matapos kuwestyunin ng netizen kung bakit tahimik si Jimmy tungkol sa insidenteng sangkot ang Chinese vessel at Philippine boat.

Balik-sagot ni Jimmy: "Ito, nagpe-prepare ng documents at proposal for financial assistance para sa fishermen. Ikaw, saan ka?"

">

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Bianca Gonzalez, Enchong Dee, Agot Isidro, Jasmine Curtis Smith cry foul over the injustice with Chinese vessel ramming into a Philppine boat at West Philippine Sea.
PHOTO/S: @iamsuperbianca / @mr_enchongdee / @agotisidro / @jascurtissmith Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results