Glaiza de Castro all set for three-month stay in United Kingdom

by Glenn Regondola
Jun 18, 2019
Glaiza de Castro is scheduled to fly to the United Kingdom this June to take a short course on music production and composition.
PHOTO/S: Glenn Regondola

Wala nang makapipigil kay Glaiza de Castro sa pag-alis niya bago matapos ang Hunyo para sa tatlong buwang pamamalagi sa United Kingdom.

Matagal na itong plinano ng Kapuso actress—ang mag-aral ng isang short course sa UK tungkol sa music production and compositions.

Kuwento ni Glaiza, “Yes, tuloy na.

“Actually, hinintay ko pa ang visa ko, baka next week.

“Ang sabi nila, hintayin ko raw, baka mga June 28, e, 29 aalis na ako.

“So, ayun, for three months... first time na ganito katagal.

“Alone ako, and I’m only allowed to enter UK one week prior to my course.

“Ang start ko, officially, start ako ng July 8.

“So, pagdating ko dun, mag-aayos ako ng mga gamit ko, mag-aayos ako ng flat.

“Gusto ko siyang gawin na kumportable, parang home.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza sa kanyang singing engagement sa Casiguran Town Fiesta, sa Aurora Province, noong June 13.

Continue reading below ↓

GLAIZA DE CASTRO’S BOYFRIEND

Kahit walang kapamilyang kasama, hindi itinanggi ni Glaiza na mauunang darating dun ang kanyang Irish boyfriend na si David Rainey.

Nakangiting saad ng 31-year-old actress, “Meron namang tutulong para magbuhat-buhat ng gamit.

“Si David, mauuna siya dun.

“[June] 28 pa lang, nandun na siya.

“Pero alis agad siya, e.

“Alis din siya kasi meron siyang business na dapat balikan sa Ireland.

“So, tutulungan lang niya akong mag-ayos ng mga gamit, ganyan.

“‘Tapos, birthday din ng dad niya ng July 8, so pupunta sila ng Portugal.”

THREE MONTHS IN UK

Sa puntong ito ay inilahad ni Glaiza kung anong kurso ang kanyang kinuha at bakit tatlong buwan siyang mawawala sa Pilipinas.

Aniya, “Kaya siya bale three months, kasi yung short course na gagawin ko dun, bale music production and music composition.

“Dalawang courses ang kinuha ko para sulit.

“Tutuguhin ko na, pero same school lang.

Continue reading below ↓

“Yun kasi, nung naghahanap ng school sa UK, nasa top siya ng list ko.

“Kasi, tatlo ang pinuntahan kong schools nun, so siya yung parang pinaka-okey.

“Yung isa, one year yung minimum nila.

“Yung shortest course nila, one year, e, sabi ko, hindi ko kayang mawala ng one year.

“’Tapos gusto ko yung area ko na nasa school, yung vibrant at malapit sa gigs, sa record stores, malapit siya sa West End.

“Manonood din ako ng play dun, yung The Waitress musical.”

Patuloy ni Glaiza, “Habang nandun ako, makakagawa ako ng mga kanta, ‘tapos hindi naman talaga ako mawawala talaga kasi nandiyan naman ang social media.

“So I’m planning to share my journey through Instagram, Facebook, YouTube, so para updated pa rin.”

Read Next
Read More Stories About
Glaiza de Castro, david rainey
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro is scheduled to fly to the United Kingdom this June to take a short course on music production and composition.
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results