Ethel Booba hits Jay Sonza for insensitive comment on Pinoy fishermen abandoned by Chinese vessel

by Rachelle Siazon
Jun 18, 2019
PHOTO/S: Jay Sonza Facebook / @ethelbooba Instagram

Binatikos ni Ethel Booba ang dating broadcast journalist na si Jay Sonza dahil sa insensitive comment umano nito sa mga Pinoy na mangingisdang biktima ng lumubog na Philippine boat sa West Philippine Sea.

Kaugnay ito ng ulat na binangga at inabandona ng Chinese vessel ang bangkang sakay ang 22 Pinoy na mangingisda, bandang Recto Bank sa West Philippine Sea.

Nag-ugat ito sa sunud-sunod na Facebook posts ni Jay, na kumukuwestiyon sa kuwento ng mga Pinoy na mangingisda sa insidente.

Ayon kay Jay, kahina-hinalang natukoy ng mga ito na Chinese vessel ang bumangga sa kanila dahil "sila mismo ang nagsabi na ubod ng dilim at wala silang naaninag man lang" noong madaling-araw ng June 9.

Dire-diretsong pahayag ni Jay sa kanyang Facebook post noong June 14 (published as is):

"habang pinakikinggan ko iyong mga mangingisda at kapitan ng bagkang pamgisda, lalong gumugulo ang kuwento sa recto bank reef sea accident.

"1. sabi madilim at wala silang nakitang palatandaan na barkong tsino ang bumangga.

Continue reading below ↓

"2. nilangoy daw nila ang Vietnamese fishing vessel sa layong 5 miles o 8 kilometro. wow! lintek sa galing at tibay sa languyan.

"3. nakihiram lang daw sila ng radyo sa mga Vietnamese para makontak ang Navy ng Pilipinas.

"4. ang tanging pamantayan daw nila na tsino ang barkong bumangga ay ang istilo ng pamalakaya.

"paano nila nasabi samantalang sila mismo ang nagsabi na ubod ng dilim at walang silang naaninag man lang.

"teka muna, wala man lang mamatay o malubhang nasugatan sa kanila.

"5. sabi hindi daanan ng mga Vietnamese boat ang lugar at nagkataon lang na nandoon Sila ng mga sandaling yaon. what a coincidence.

"6. paano nakontak via radio ng Vietnamese boat ang Phil. Navy? there is more than meets the eye on this piece of story. bakit may nakasama kaagad na media ang sumaklolong navy boat.

"7. I don't want to suspect that this incident is a well planned CIA back scenario. Gary and Stella are former member of the navy. just saying.

Continue reading below ↓

JAY SONZA: "TOO GOOD TO BE TRUE"

"Too good to be true" raw ang umano'y mala-"drama rama sa kapamilya gold" na bersiyon ng kuwento ng mga mangingisda.

Kaugnay ito ng salaysay ni June Insigne, kapitan ng lumubog na Philippine boat, na halos tatlong oras silang nagpalutang-lutang sa karagatan, bago sila nakahingi ng saklolo sa isang Vietnamese vessel.

Ang "kapamilya gold" ay tawag sa mga teleseryeng pinapalabas sa afternoon block ng ABS-CBN.

Sabi pa ni Jay: "binangga. sinalpok. hindi sumabog. total wreck. ubod ng dilim.

"walang namatay o nasaktan o nagalusan o missing man lamang.

"lumangoy ng 5 miles o 8 kilometro sa gitna ng dilim at malaking alon para masagip.
navy rescue with full media (tinawagan at hinintay muna ang TV ENG crew bago pumalaot) coverage and live interview on prime time television."

ETHEL OPPOSES JAY'S POST

Kaugnay ng posts ni Jay, inalmahan ni Ethel ang pagsasawalang-bahala ng dating beteranong broadcast journalist sa sinapit ng 22 Pinoy na mangingisda na lulan ng binanggang bangka ng Chinese vessel.

Continue reading below ↓

Ani Ethel, hindi ba sapat na bigyang-simpatiya ang paglubog ng bangka ng mga ito at ang paglangoy ng ilang milya ng dalawa sa mga mangingisda para makahingi ng saklolo?

Hirit ni Ethel patungkol kay Jay, "Former journalist pero di marunong makibalita. Charot!"

Sinagot din ni Ethel ang ibang kumukuwestiyon kung paanong natukoy ng mga mangingisdang Pinoy na Chinese ang sakay ng bumangga sa kanilang barko.

Continue reading below ↓

Giit ni Ethel, mismong Chinese Embassy na ang nagkumpirmang Chinese vessel nga ang nakaengkuwentro ng mga Pinoy na mangingisda.

Dagdag ng comedienne, "You don't have to go down in history as a clam defender, you can go down as a hero.

"A hero who defended and fought for our sovereignty and the rights of our fishermen. Charot!"

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jay Sonza Facebook / @ethelbooba Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results