Vickie Rushton blames herself for Q&A blunder in Bb. Pilipinas

by Bernie V. Franco
Jun 19, 2019
Vickie Rushton owns up to her blunder during the question-and-answer portion of Binibining Pilipinas 2019.
PHOTO/S: @vimrushton on Instagram / ABS-CBN via You Tube

“Feeling ko talaga ready ako sumagot.”

Ito ang pahayag ng beauty queen-actress na si Vickie Rushton patungkol sa question-and-answer portion (Q and A) ng Binibining Pilipinas 2019 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong June 9, Linggo.

Ito ang ikalawang pagkakataon na sumali si Vickie sa prestihiyosong beauty pageant.

Unang beses noong 2018, kung saan hinirang siya bilang first runner-up.

Ngayong taon, maraming umasang makapag-uuwi ng major crown si Vickie, lalo pa’t humakot siya ng anim na special awards.

Pero nabigo siya dahil naubusan ng oras para masagot niya nang maayos at malinaw ang tanong sa kanya sa Q&A portion.

Paliwanag ni Vickie, na-distract siya nang may isang tao sa audience ang tumayo at “nag-make face” sa kanya.

“Parang before nun, kasi iniisip ko, 'Makakasagot ako. Makakasagot ako. Tanungin niyo na ako.'

"Parang ganun po lagi ang iniisip ko.

“'Tapos yun, medyo na-distract po ako sa audience po,” paliwanag ng dalaga sa panayam sa kanya sa Tonight With Boy Abunda (TWBA) nitong June 18, Martes.

Continue reading below ↓

Pero paglilinaw ng kandidata mula sa Negros Occidental, walang siyang ibang sinisisi kundi ang sarili.

“Pero feeling ko, ako din po yun. Kasi dapat hindi ako ma-distract. Kasi dapat prepared ako.

“Pero hindi ko alam kung bakit ganun ako ka-weak that night para ma-distract,” saad ni Vickie.

VICKIE RECOUNTS DISTRACTION

Inilahad ni Vickie kung paano siya na-distract habang nakasalang sa Q&A portion ng Binibining Pilipinas.

“May nakita ako na tumayo at biglang nag-make face sa ‘kin, ‘Wala! Wala!’ Ganun.

"Parang napa-stop ako sa ganun.

“Parang nakuha lang po yung atensiyon ko.

“Nung time na yun, wala akong maisip na iba, pero parang gusto ko lang bumalik sa thoughts ko.

“Hindi ko naman sila kilala, pero dapat, sabi ko nga, dapat hindi ako na-distract kasi dapat focused ako sa self ko.

“So, wala din po akong bini-blame but myself.”

Continue reading below ↓

Pero pag-amin ni Vickie, “Nasayangan ako.”

VICKIE GIVES HER COMPLETE ANSWER TO THE QUESTION

Binigyan ng pagkakataon ng host na si Boy Abunda si Vickie na sagutin muli ang tanong sa kanya noong grand coronation ng Binibining Pilipinas.

Ang tanong: Why is mental health as important as physical health?

Sagot ni Vickie: “Mental health is as important as physical health because it goes hand in hand for our inner being.

“Growing up, I was bullied and it affected my mental and physical health.

“And as a woman who’ve been through a lot, I can use it to empower and inspire other people and remind them that self-love is important for us to be productive.”

Ano ang natutunan niya sa karanasang ito?

“I won’t let what other people say about me stop me from dreaming,” sagot ng dalaga.

Continue reading below ↓

VICKIE STILL UNSURE IF SHE WILL JOIN AGAIN

Kung noong nakaraang taon ay gusto lamang ni Vickie na manalo ng korona, mas lumalim daw ang rason niya ngayong taon sa pagsali sa Binibining Pilipinas.

“I really want to win.

“Pero sabi ko this year, parang naging emotional ako.

"Kasi last year, gusto kong manalo para sa sarili ko, kasi 16 years old po ako nag-start na mag-pageant.

“Sabi ko, parang nag-join ako ng pageant, gusto kong manalo, gusto ko ng crown, ng title.”

Ngayong taon, gusto raw niyang manalo para isulong ang kanyang advocacy na ipalaganap ang awareness para sa mga taong may Down Syndrome.

Ang kapatid ni Vickie na si Kian ay may Down Syndrome.

“Parang I want to win because of them, because of the kids na mai-save ko yung buhay nila if ever na manalo ako.”

Sasali ba siya muli sa Binibining Pilipinas sa ikatlong pagkakataon?

“Hindi ko pa po alam," sagot ni Vickie.

Continue reading below ↓

"Hindi ko pa masasabi kasi last year, nung nag-first runner-up ako, sabi ko ayoko nang mag-join, pero last minute nag-join din ako.

"So we’ll see."

Si Vickie ay girlfriend ng Kapuso actor na si Jason Abalos.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vickie Rushton owns up to her blunder during the question-and-answer portion of Binibining Pilipinas 2019.
PHOTO/S: @vimrushton on Instagram / ABS-CBN via You Tube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results