Manila Mayor-elect Isko Moreno asks for help from constituents

by Glenn Regondola
Jun 19, 2019
Isko Moreno on his plans as the new mayor of Manila: Isko Moreno: "Marami akong gustong gawin, but I cannot do it alone."
PHOTO/S: Glenn Regondola

Aminado si Manila Mayor-elect Isko Moreno na hindi naging madali ang laban niya nitong nakaraang mid-term elections, kung saan tinalo niya ang incumbent mayor na si former President Erap Estrada.

Malaki ang pasasalamat ni Isko sa constituents niyang nagtitiwala sa kanya, at sa mga taong malaki ang naimbag sa kanyang tagumpay.

Pahayag ng actor-politician, “One, I’m grateful to God.

“Maraming salamat sa Diyos sa pagkakataong ibinigay sa akin.

“Pangalawa, I’m grateful to Manilans… sa mga batang Maynila.

“I should focus myself on delivering what we had committed on the last elections, so yun ang challenge ngayon.

“Linis is one thing.

“Yung delivery of commitments, it’s a challenging tasks.

“Marami akong gustong gawin, but I cannot do it alone.”

Patuloy niya, “So ako ay nananawagan po sa bawat taga-lungsod ng Maynila, tulungan niyo po ako.

Continue reading below ↓

“Hindi ko ito kayang mag-isa.

“Mas maganda na sama-sama tayo.

“Anyway, at the end of the day, wala namang magmamalasakit sa ating mga batang Maynila, kundi tayo ring kapwa batang-Maynila.

“So, kung naniniwala tayo na ang Manila ay window of the country, as being the capital, then let’s show a vibrant city in the next couple of months or years sa ating bansa.

“To do that, we have to do that together.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Isko sa thanksgiving party na ibinigay sa kanya ng dating manager niyang si Wowie Roxas at ang kaibigan nitong si Bamba sa El Cirkulo, Makati City, noong June 15.

CLEANING UP MANILA

Buo raw ang dedikasyon ni Isko na linisin ang Manila—figuratively and literally.

Aniya, “We really have to clean it up talaga.

“We put order, tyranny, ayaw natin ‘yan sa kalye.

Continue reading below ↓

“In a civilized world in a civilized time, we must be guided by law and order.

“So this is my policy and direction, and what Manila is going to expect now.

“I cannot guarantee a solution to everything, but at the very least that I can guarantee is, it will be different. It will be different.

“Ask me the day after tomorrow.”

Samantala, hindi maitago ni Isko ang kasiyahan sa surprise thanksgiving party na inihanda para sa kanya, kung saan dumalo ang ilang dating miyembro ng That’s Entertainment at ilang staff niya, mga kaibigan in and outside showbiz at sa pulitika.

Ani Isko, “Masaya ako na nakita ko ang mga dati kong katrabaho in every corner. Nandito lahat!

“Ayaw kong magpa-victory party for the simple reason na you rejoice for the misery of others. Parang ganun.

“Nahiya din ako, but for whatever it is, I’m grateful and happy. I’m really happy.

Continue reading below ↓

“Na-touched lang ako kasi, one way or another, nakasama ko’t nakatrabaho ang lahat ng nandito sa loob nito.

“Lahat-lahat—showbiz, politics.

“Ngayon nga, mga big boss na lahat. Ha! Ha! Ha!”

Sa Hulyo 1 ang official na pag-assume ni Isko ng kanyang posisyon bilang bagong alkalde ng Maynila.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isko Moreno on his plans as the new mayor of Manila: Isko Moreno: "Marami akong gustong gawin, but I cannot do it alone."
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results