Joaquin Domagoso, son of Isko Moreno, reveals his showbiz crushes

by Glenn Regondola
Jun 20, 2019
PHOTO/S: Glenn Regondola

Inamin ni Joaquin Domagoso, 17, na karamihan ng mga crush niya sa showbiz ay mas may edad sa kanya.

Si Joaquin ang pangatlong anak nina Manila Mayor-elect Isko Moreno at Diana Lynn Tan na sinusubok ngayong pagsabayin ang pag-aaral at showbiz.

Pahayag ng binatilyo tungkol sa kanyang showbiz crushes, “Lahat na matanda, e. Lahat matanda.

“Pinakamaganda? Like, the whole showbiz?

“Liza Soberano [21]. She’s the number one princess.

“After her, si Nadine. Si Nadine Lustre [25].

“Sa GMA naman, like, my age, si Kyline. Kyline Alcantara [16]."

Patuloy ni Joaquin, “Si Dawn Zulueta [50]. She’s so pretty.

“I think she’s the best before ‘til today.

“Pinanood ko po yung Hihintayin Kita Sa Langit. Ngayon ko lang siya napanood.”

Ang Hihintayin Kita Sa Langit ay ang pelikulang pinagtambalan nina Dawn Zulueta at Richard Gomez noong 1991.

Pero sa ngayon daw ay nanatiling “NGSB” (no girlfriend since birth) ang binatilyo.

Continue reading below ↓

“Hindi po, e. Hindi pa po, e.

“Wala pa po akong... in my family, bawal po talaga.

“Even my sister and me, until we’re, like, eighteen [years old].”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joaquin sa thanksgiving party na inorganisa ng manager niyang si Wowie Roxas para kay Isko noong June 15.

JOAQUIN ON POLITICS

Sa puntong ito, bukod sa showbiz, napag-usapan na rin ang tungkol sa pulitika.

Katulad ba ng kanyang ama ay papasok din si Joaquin sa larangang ito pagdating ng tamang oras at panahon?

Saad niya, “It’s not a closed door, you know.

“Maybe, one day in the future, I may venture into politics.

“Pero hindi pa siya sure right now.

“Kasi right now, I wanna focus on two things—my studies and my acting.

“So, depende po talaga.”

Katatapos pa lang ni Joaquin ng kanyang senior high school sa Southville International School and Colleges ngayong taon.

Continue reading below ↓

Samantala, ganun nga raw siya ka-passionate sa showbiz.

Pagsang-ayon ni Joaquin, “Yes po, it’s my dream and passion right now.

“I feel, like, na once I succeeded in showbiz, maybe I can venture to things that I really love.

“It’s an advantage na I’m his [Isko] son, ‘cause people me and when meeting people, ‘O, heto yung anak ni Isko.’

“Then, it’s an introduction already.

“So it’s easy to meet other people when they already know you.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results