Eddie Garcia wanted a death with no fanfare: "Pagka namatay ako, gusto ko tahimik lang."

by Erwin Santiago
Jun 20, 2019
Eddie Garcia: "Ayoko yung nakahiga ako, ‘tapos tinitingnan ka nila, ayoko ng ganun, na parang exhibit. Kaya from death bed, crematory na, piprituhin ka kaagad!"
PHOTO/S: Artu Nepomuceno / Esquire Philippines

“Para sa akin kasi, ang buhay ng tao ay may hangganan. Kung hanggang dun ka na lang, hanggang dun ka na lang.”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Eddie Garcia sa isang panayam noong July 24, 2012—halos pitong taon bago bawian ng buhay ang veteran actor.

Nakapanayam ng PEP.ph columnist na si Gorgy Rula si Eddie sa gala night ng Bwakaw, ang pinagbidahan niyang pelikula na naging entry sa Cinemalaya independent film festival noong 2012.

Ginanap ang gala night ng Bwakaw sa Tanghalang Nicanor Abelardo o Main Theater ng Cultural Center of the Philippines.

Sa naturang panayam ay napag-usapan ang tungkol sa kamatayan, ang paksang tinatalakay ng Bwakaw.

Sa pelikula, ginampanan ni Eddie ang papel ng isang matandang bading na matagal nang pinaghahandaan ang kanyang kamatayan.

Wala siyang kasama sa kanyang bahay kundi ang alaga niyang aso na nagngangalang Bwakaw.

Ayon sa noo’y 83-year-old actor, matagal na niyang pinaghahandaan ang kamatayan.

Continue reading below ↓

Paniniwala ni Eddie, “Para sa akin kasi, ang buhay ng tao ay may hangganan.

“Kung hanggang dun ka na lang, hanggang dun ka na lang.

“Sa buhay kasi ng tao, there are only two things you cannot avoid—death and tax!

“Ganun yun, e. Pag hanggang dun ka na lang, hanggang dun ka na lang.

“One of these days, siguro susunod na rin ako kay Dolphy, di ba?”

Pumanaw ang Comedy King noong July 10, 2012—dalawang linggo bago nakapanayam ng PEP.ph si Eddie.

A QUIET DEATH?

Matamang sabi pa ni Eddie, “Pero hindi niyo malalaman. Pagka namatay ako, gusto ko tahimik lang.

“From death bed, diretso sa crematory, ‘tapos isasaboy na yung abo ko sa dagat.”

Mahigpit daw niya itong ibinilin sa kanyang pamilya.

“Hindi ilalagay sa obituary, kaya hindi niyo malalaman.

“Baka magtanong kayo, ‘Nasaan ba si Manoy? Isang taon na namin hindi nakita, ha... ay, patay na!’

Continue reading below ↓

“Ganun lang talaga ang gusto ko, para maalala akong buhay.

“Ayoko yung nakahiga ako, ‘tapos tinitingnan ka nila, ayoko ng ganun, na parang exhibit.

“Kaya from death bed, crematory na, piprituhin ka kaagad!” natatawa niyang pahayag.

Taliwas sa kanyang kagustuhang walang makaalam ng kanyang kamatayan, naging malaking balita ang kanyang pagpanaw.

Tinutukan ng media at ng publiko ang mga kaganapan mula nang maaksidente siya sa taping ng Rosang Agimat noong June 8.

Hanggang sa isugod siya sa Mary Johnston Hospital at ilipat sa Makati Medical Center, hanggang sa madiskubreng hindi heart attack kundi neck fracture ang dahilan ng kanyang pagka-comatose, hanggang sa tuluyan na siyang bawian ng buhay.

Pumanaw si Eddie nitong Huwebes ng hapon, June 20—12 araw pagkatapos niyang maaksidente.

Mahirap para sa maraming sumubaybay sa acting career ni Eddie ang sundin ang kagustuhan niyang walang makaalam ng kanyang pagkamatay.

Sa loob ng mahigit 70 taon ay mahigit 300 karakter ang ginampanan niyang papel sa mga pelikula at teleserye na tumatak sa maraming manonood.

Continue reading below ↓

Gustuhin man niya o hindi, naging bahagi ng buhay ng maraming Pinoy ang isang Eddie Garcia.

Read Next
Read More Stories About
Eddie Garcia, Bwakaw
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eddie Garcia: "Ayoko yung nakahiga ako, ‘tapos tinitingnan ka nila, ayoko ng ganun, na parang exhibit. Kaya from death bed, crematory na, piprituhin ka kaagad!"
PHOTO/S: Artu Nepomuceno / Esquire Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results