Regine Velasquez calls out basher for posting mean comments about her, husband Ogie Alcasid

by Rachelle Siazon
Jun 20, 2019
Regine Velasquez to netizens bashing her and husband Ogie Alcasid: "Ok just want to say sa mga nakikitingin ng videos at pictures ng mga artista kung ayaw nyo makita mga pagmumukha namin why are you guys following us??!!"
PHOTO/S: @reginevalcasid / @ogiealcasid Instagram

Diretsahang sinagot ni Regine Velasquez ang isang basher na tumawag sa kanyang "balyenang laos" at sa asawa niyang si Ogie Alcasid na "chaka unano."

Kasalukuyang nasa mala-honeymoon vacation sa Boracay ang mag-asawang Regine at Ogie, base sa mga ibinabahagi nilang litrato sa kani-kanilang social media account.

Isang basher ang naghayag ng disgusto sa umano'y nakakasawang litrato ng Kapamilya couple.

Buong komento ng netizen kay Ogie:

"@ogiealcasid talaga naman nakakasawa na yung pangit mo pagmumukha sa IG magsama kayo ng balyena mo sa asawa na walang ginawa kundi magtitili sa TV masakit na sa tenga yung boses pweeeeeee nasaktan ka kasi totoo magsama kayo chaka unano at balyenang laos"

Sa kanyang Instagram ngayong araw, June 20, ni-repost ni Regine ang screenshot ng mensahe ng basher at tahasang kinondena ang pangungutya nito sa pisikal na katangian nila ni Ogie.

Sabi ni Regine: "This is so sad now I understand why there are celebrities who deactivate their social media accounts.

Continue reading below ↓

"There are so many 'mean' people out there who wish ill on anyone who experience the simple joys in life.

"I feel sad for you."

Hindi raw maintindihan ni Regine kung bakit kinailangan pa silang alipustahin ng basher kung hindi man sila gusto nito.

Dagdag ng Asia's Songbird, "Again if you do not like us unfollow and daling gawin hindi hindi mo na kami makikita sa feed mo. God bless"

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na tweet ni Regine, ikinaloka raw niya kung bakit ang daming reklamo ng mga "nakikitingin" sa videos at pictures nila ni Ogie.

"Ok just want to say sa mga nakikitingin ng videos at pictures ng mga artista kung ayaw nyo makita mga pagmumukha namin why are you guys following us??!!

"Bat kayo magtataka puro mukha namin ang adun???ah nag iisip ba KAYO???"

CELEBRITIES DEFEND REGINE

Agad namang dinepensahan ng mga tagahanga at kasamahan niya sa showbiz si Regine.

Pareho raw naka-relate ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto at Kapuso actress na si Rita Daniela sa pambabatikos ng netizens sa kanilang pangangatawan.

Sabi ni Angeline, "Ms.Reg nasasaktan po ako pag alam kong nasasaktan kayo. Hindi po sila titigil.

"Sa akin din po may mga ganyang tao. Wala naman po tayong magagawa kung ayaw nila sa atin."

Sa halip daw na magalit pa sa bashers ay sumang-ayon si Regine na dasal lang ang katapat ng mga nangungutya sa Asia's Songbird.

Continue reading below ↓

"ipinagdadasal ko nalang po sila na patawarin sila ng Panginoon dahil hindi po nila alam ang kanilang ginagawa.

"Mahal na mahal po namin kayo Ms.Reg napakarami po namin at iisa lang po yan."

Simpleng mensahe naman ni Rita kalakip ang crying emoji, "Relate ate. Nakakalungkot talaga."

Naghayag din ng suporta ang singer na si Michelle Ayalde para sa iniidolong si Regine, "I love you ate Regine"

Continue reading below ↓

MORE LOVING MESSAGES FROM FRIENDS

Nagkomento rin si Melai Cantiveros at sinigurong mas maraming nagmamahal kay Regine kaysa sa detractors nito.

Sabi ng TV host-comedienne, "Ms Regine wala yan ipagdasal natin cya kawawa cya. di cya msaya sa buhay nya mabuti tayu masaya at kuntento sa buhay :) basta marami kami nagmamahal sayu"

Kinondena naman ng singer na si Rhap Salazar ang pagkalat ng fake accounts sa social media upang manira ng iba.

"Ang daming time gumawa ng fake accounts para manira ng iba. Nakakalungkot. Don't mind them, Ate. Di nila deserve ng attention mo. Hugs!"

Sa huli, may simpleng hirit din si Broadway Superstar na si Lea Salonga tungkol sa sinabi ni Regine patungkol sa basher na "nakikitingin" sa Instagram feed ng mag-asawang Regine at Ogie.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez to netizens bashing her and husband Ogie Alcasid: "Ok just want to say sa mga nakikitingin ng videos at pictures ng mga artista kung ayaw nyo makita mga pagmumukha namin why are you guys following us??!!"
PHOTO/S: @reginevalcasid / @ogiealcasid Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results