Eddie Garcia remains cremated

by Erwin Santiago
Jun 21, 2019
Eddie Garcia's stepson Rep. Michael Romero announced that the remains of the veteran actor were cremated at dawn today, June 21.
PHOTO/S: Artu Nepomuceno for Esquire Philippines / Facebook

Alinsunod sa kanyang tagubilin, na-cremate na ang mga labi ng veteran actor na si Eddie Garcia.

Pumanaw si Eddie nitong Huwebes ng hapon, June 20, sa edad na 90.

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ng stepson ni Eddie na si Congressman Michael Romero na naibigay na sa naiwang pamilya ng aktor ang mga abo nito kaninang 3:20 A.M.

Si Michael ay anak ng longtime partner ni Eddie na si Lilibeth Romero.

Ayon sa kongresista, nagsimula ang cremation sa labi ni Eddie bandang ala-una ng madaling-araw ngayong Biyernes, June 21.

Sinaksihan ito ng kanyang immediate family at ilang malalapit na kaibigan.

Nagbigay rin ng eulogy ang ilang kaibigan ni Eddie gaya nina Bibeth Orteza, Tirso Cruz III, at Phillip Salvador.

Pagbabahagi pa ni Congressman Romero sa kanyang Facebook post:

"At 3:20am,Tito Eddies ashes was given to us. (Me, his surviving son Erwin, our mother Lilibeth, Brother Nikki and Pareng Ipe).

"At 1am, in front of around 40 immediate family and friends of the Garcia, Lagman and Romero gathered around tito eddie"s mortal body, his cremation process started.

Continue reading below ↓

"Thank you also to tito Ed's closest friends, Tita Bibeth Orteza, Tirso Cruz III, Ipe Salvador, his Exec Assistant Joe and others who gave their eulogy to the unparalleled 17 times FAMAS awardee (6x best supporting actor and Hall of Famer, 5x best actor and Hall of Famer and 5x best director and Hall of Famer), the legend that might not be equalled again, MR. Eduardo V. Garcia.

"As he entered the cremation room, we all gave Tito Ed a standing ovation he deserved and started shouting 'BRAVO' for the last time. We love you!!!"

Continue reading below ↓

EDDIE GARCIA'S REQUEST

Sa ilang piling interviews ni Eddie Garcia noong nabubuhay pa siya, nabanggit niya ang kagustuhang ma-cremate agad kapag siya ay pumanaw na.

Aniya, "Pagka namatay ako, gusto ko tahimik lang.

“From death bed, diretso sa crematory, ‘tapos isasaboy na yung abo ko sa dagat,” sabi ni Eddie sa panayam sa kanya ng PEP.ph sa gala premiere ng pelikula niyang Bwakaw noong 2012.

Dagdag pa ng beteranong aktor, "Ayoko yung nakahiga ako, ‘tapos tinitingnan ka nila, ayoko ng ganun, na parang exhibit.

"Kaya from death bed, crematory na, piprituhin ka kaagad!"

Sa panayam naman sa kanya ni Ces Drilon sa ANC program na Pipol noong 2013 ay sinabi ni Eddie na binayaran na niya ang kanyang cremation.

Lahad niya, “I already paid for my cremation. Binayaran ko na.

“My helicopter pilot-friend will pick up the ashes from the crematory and spread sa Manila Bay.”

Bakit gusto niyang ganoon?

Continue reading below ↓

“Para pag namasyal ka sa Roxas Boulevard, ‘Baka multuhin tayo ni Eddie rito!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“And I want to spread on a beautiful sunset.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eddie Garcia's stepson Rep. Michael Romero announced that the remains of the veteran actor were cremated at dawn today, June 21.
PHOTO/S: Artu Nepomuceno for Esquire Philippines / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results