Sharon Cuneta vents frustration over passing of Eddie Garcia

by Arniel C. Serato
Jun 21, 2019
Sharon Cuneta is devastated over the passing of legendary icon Eddie Garcia: "Walang sinuman sa showbiz ngayon o kahit sa mga ipanganganak pa ang puedeng umupo sa tronong iniwan ninyo... Mahal na mahal ko po kayo..."
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: @reallysharoncuneta on Instagram

Labis na nagdadalamhati ang Megastar na si Sharon Cuneta sa pagpanaw ng batikang aktor at direktor na si Eddie Garcia.

Pumanaw si Eddie kahapon, June 20, sa edad na 90.

Sa kanyang Instagram at Facebook accounts, naglabas ng kanyang hinanakit si Sharon sa pangyayari.

Ayon sa Megastar, buhay pa sana si Eddie kundi dahil sa kinasangkutang aksidente ng beteranong aktor habang nasa taping.

Damang-dama ang hinagpis ni Sharon dala ng paggamit niya ng all caps sa ilang bahagi ng kanyang post (published as is):

“HE SHOULD NOT HAVE DIED YET.

"HAD THERE BEEN NO NEGLECT OF SAFETY FOR THE ACTORS, HE WOULD HAVE LIVED TO MORE THAN 100…!!!

“I have had not only a professional relationship but a personal one with him as well.

“I grew up under his tutelage and he means so much to me.

“Sorry if I’m venting but this was totally unavoidable.

Continue reading below ↓

“Especially for an actor who was 90 years old…

“It is a matter of a few people who failed to be 100% careful and were negligent.

“I do not mean to say a whole organization or station should be blamed - this is an issue I do not wish to be involved with buy for his family and co-workers on that day to debate on and argue about.

“BUT I AM ANGRY BECAUSE THIS COULD HAVE TOTALLY BEEN AVOIDED."

Kalakip nito ang isang video ng dating interview ni Eddie na kuha ng PEP Troika columnist na si Noel Ferrer.

Sa video, napag-usapan nina Noel at Eddie ang isang role na hindi pa nagawa ni Eddie—ang pagiging leading lady.

Sabi pa ni Sharon, “Thank you for this, @iamnoelferrer. This is the way I will remember him too. Or better yet, as April’s Papa in Dear Heart...”

Continue reading below ↓

EDITED FOR WORLD PEACE

Ngunit makalipas ang ilang sandali, in-edit ni Sharon ang kanyang caption dahil may ilang netizens ang hindi nagustuhan ang kanyang diumano'y “harsh” statement.

Sabi ni Sharon sa edited version: “For 'World Peace,' I edited this.

"I am grieving. Let me be.)"

Continue reading below ↓

Naka-disable na ang comments section ng post na ito ni Sharon.

Sa Facebook, makikita rin ang editing history ng post ng actress-singer.

Continue reading below ↓

DEAR HEART, 1981

Nag-post din si Sharon ng screenshot ng eksena nila ni Eddie sa pelikulang Dear Heart, ang launching movie ng Megastar katambal si Gabby Concepcion noong 1981.

Si Eddie ang gumanap na ama ni Sharon sa pelikula.

Mensahe ni Sharon sa caption: “I will miss you, my Papa...I will love you forever. Your baby girl, April. (“Dear Heart.” 1981.)"

Continue reading below ↓

Bago nito, naghayag na ng kanyang kalungkutan si Sharon nang lumabas ang balita tungkol sa pagpanaw ni Eddie.

Mensahe ni Sharon (published as is): “I just saw this...My dear God, it is so hard to accept this...I love you, my Direk, my Tito Eddie...

"Thank you for all that you gave me, us...It is truly the end of an era.

"Hindi na maaaring ibalik ang napakaganda at kagalang-galang na kagandahan ng showbiz noon...

"Kokonti na lang ang mga artistang 'old school' na napakalaki ng kontribusyon sa industriya at sa puso ng bawat Pilipino, at marunong trumato ng katrabaho ng tama, sikat man o “maliliit” ang tingin sa trabaho nila pero malaki naman talaga ang naibibigay sa ating mga artista.

"Maraming salamat po, Mr. Eddie Garcia. Walang sinuman sa showbiz ngayon o kahit sa mga ipanganganak pa ang puedeng umupo sa tronong iniwan ninyo...

"Mahal na mahal ko po kayo...May you rest in God’s arms and we, those who have had the privilege of working with you, shall remember all that you stand for, and do our best to keep your legacy alive, because you have made us all a part of it... My heart is broken..."

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta is devastated over the passing of legendary icon Eddie Garcia: "Walang sinuman sa showbiz ngayon o kahit sa mga ipanganganak pa ang puedeng umupo sa tronong iniwan ninyo... Mahal na mahal ko po kayo..."
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: @reallysharoncuneta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results