Ritz Azul amazed by professionalism, passion for acting of Eddie Garcia

by Bernie V. Franco
Jun 21, 2019
Actress Ritz Azul fondly recalls working with veteran actor Eddie Garcia when she was still with TV5: "Talagang pinag-aaralan niya. Hindi siya nagmimintis sa acting."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram photo

Professional at passionate sa trabaho.

Ganito naaalala ni Ritz Azul ang batikang aktor na si Eddie Garcia sa maiksing panahong nagkatrabaho sila ilang taon na ang nakalilipas.

Pumanaw ang 90-anyos na beteranong aktor nitong June 20, Huwebes ng hapon.

“Sa TV5 ko pa siya nakatrabaho. Parang lolo ko siya dun. Pidol’s Wonderland,” pagbabalik-tanaw ni Ritz sa press conference ng upcoming movie KontrAdiksyon noong June 14.

Ang Pidol’s Wonderland ay ang weekly fantasy series ng TV5 kung saan si Dolphy ang storyteller.

Umere ito mula 2010 hanggang 2013.

Noong panahong iyon ay nasa bakuran pa ng TV5 si Ritz, na produkto ng talent search na Artista Academy.

RITZ AZUL REMEMBERS EDDIE GARCIA

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ritz kung ano ang naaalala niya nang una niyang makatrabaho si Eddie.

Saad niya, “Sobra akong na-starstruck sa kanya.

“Tapos sobrang na-amaze ako sa kanya, yung script binabago niya talaga.

Continue reading below ↓

“As in isinusulat niya kung ano yung dapat.

“Pinag-aaralan niyang maigi.”

Kung tutuusin nga raw ay single episode lang ang ginawa nila, pero hindi iyon naging dahilan para hindi pagbutihin ni Eddie ang trabaho.

“Kahit Pidol’s Wonderland lang yun—hindi naman sa lang… para sa akin, compare sa prime time na show, ang Pidol’s Wonderland parang isang episode lang, e.

“Pero siya, talagang pinag-aaralan niya. Hindi siya nagmimintis sa acting.”

Dagdag ni Ritz, “One day or two [days taping] pero sobrang dedicated siya.

“'Tapos siya pa ang nauuna sa set.”

Muli raw silang nagkita sa birthday party ni Deo Endrinal, head ng Dreamscape Entertainment, ang content provicer ng ABS-CBN at producer ng teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Sina Ritz at Eddie ay parehong naging bahagi ng teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin, subalit hindi sila nagkaeksena.

Continue reading below ↓

Nangyari raw ito noong December 2018.

Pagbabalik-tanaw ni Ritz, “Nagkaroon kami ng usapan.

“Talagang in-usher niya ako. Parang talagang close kami.

“'Tapos mabali-balitaan ko, ikinukuwento na niya ako sa co-actors niya, saying maganda raw ako, ganyan.

“Parang nagdyo-joke siya ng gauon.”

Lubos daw siyang nalungkot nang nabalitaang naaksidente si Eddie sa taping ng ginagawa nitong teleserye sa GMA-7, ang Rosang Agimat, noong June 8.

“Sobra akong nalungkot kasi pangarap kong makatrabaho siya nang mas matagal,” sabi ni Ritz.

Ayon sa mga ulat, napatid si Eddie sa cable wire ng produksiyon kaya ito nag-collapse.

Na-comatose ang beteranong aktor hanggang sa tuluyan na itong bawian ng buhay.

Nniniwala si Ritz na ang nangyari kay Eddie ay magsisilbing aral sa industriya.

“Madaming bagay na na-prevent sana. I’m sure magiging lesson ito sa lahat sa industriya,” sabi ng aktres.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Ritz Azul fondly recalls working with veteran actor Eddie Garcia when she was still with TV5: "Talagang pinag-aaralan niya. Hindi siya nagmimintis sa acting."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results