Jay Manalo fondly remembers sharing a room with Eddie Garcia in Beijing

by Rommel Gonzales
Jun 21, 2019
Jay Manalo on the late Eddie Garcia: "No dull moment when you’re talking to Tito Eddie and when you’re with him. Malaking kawalan siya sa industriya."
PHOTO/S: Jerry Olea

Hindi na mabilang ni Jay Manalo kung ilang beses niyang nakatrabaho si Eddie Garcia.

Pinakahuli raw na nagkasama sila sa telebisyon ay sa TV5 primetime series na Babaeng Hampaslupa noong 2011.

Sina Susan Roces, Alex Gonzaga, at Alice Dixson ang mga bida sa teleserye.

“Puro heavy yung mga eksena namin dun,” pagbabalik-tanaw ni Jay sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pocket interview ng Cinemalaya 2019 entry na Children of The River, sa Limbaga 77 restaurant, Quezon City, kahapon, June 20.

Kahapon din pumanaw si Eddie sa edad na 90.

Nasa shooting daw si Jay ng digital film na Call Me Tita nang makarating sa kanya ang malungkot na balita.

Si Cherry Pie Picache ang kaeksena niya noong sandaling iyon.

Lahad ni Jay, “Kanina nagsu-shooting kami, biglang sakto may kukuhanan kaming eksena na masaya kaming dalawa ni Pie, which is, salamat naman, nai-deliver namin.

“Kaso siyempre, di ba, yung bigat, may eksena kang gagawin, biglang mabigat yung iaano mo, dahil happy thoughts yung ibibigay mo sa eksena.

Continue reading below ↓

“Although nai-deliver naman namin nang maayos ni Pie.

“‘Tapos after that, nagkape-kape ako, nagsigarilyo sa labas nung location, siyempre nalulungkot ako.”

UNFORGETTABLE MOMENTS WITH EDDIE GARCIA

May hindi makakalimutan si Jay tungkol kay Eddie noong ginawa nila ang pelikulang Mano Po (2002).

Kuwento ng aktor, “Nasa Beijing kami, kaming dalawa yung na-assign na magka-roommate for three to five days.

“So, yung mga disiplina niya as an actor, nakita ko.

“Kung papa’no niya anuhin yung kailangang i-adapt ng bawat artistang nakakasama siya or makakasama siya, sana, di ba, in the future.

“Maagang natutulog, and then there was a time na naaalala ko nung sinabi niya na, ‘Jay, kung gusto mong manood ng TV, hinaan mo lang yung volume.’

“So, nanonood ako ng TV, wala akong naintindihan siyempre!” at tumawa si Jay.

“Hindi ko na nilagyan ng volume.

Continue reading below ↓

“Well, iyon, nakatulong naman dahil nakatulog din kaagad ako.

“And then, alam mo yun, sa umaga, paggising, makikita mo talaga siya, maaga talaga siya nagigising.

“And then, alam mo yung kahit hindi ka umiinom, ako talaga in real life hindi talaga ako umiinom, pero once na niyaya ka niyang, ‘O, Jay.’ Sabi ko, ‘Sige!’

“I think scotch or whiskey… I don’t know, hindi ko maano kung yung ano, e, basta bibigyan ka lang, ‘O sige, o sige.’

“Alam mo yung hindi ka natatakot, pero alam mo yung nahihiya ka na lang bilang inalok ka?

“Parang pagkain, inalok ka lang na nakakahiyang tanggihan.

“Pero one shot lang naman, malamig kasi dun [Beijing].”

Patuloy ni Jay, “And then, yung mga pag nasa tent nung time na ginagawa namin yung ano…

“Actually, marami kang mapupulot kay Tito Eddie pag nakatrabaho mo.

Continue reading below ↓

“Kasi hindi lang naman… it’s not all about the yung mga eksena namin na gagawin ang pinagkukuwentuhan.

“Pati yung past life niya, e... ang dami, nagse-share siya ng mga ano niya.

“No dull moment when you’re talking to Tito Eddie and when you’re with him.

“Malaking kawalan siya sa industriya.”

Si Jay mismo ay kinikilalang mahusay na character actor.

Nangangarap ba siyang isa siya sa ma-consider na susunod sa mga yapak ni Eddie?

Tugon ni Jay, “Actually, may nagsabi na, pero para sa akin, isa lang ang Tito Eddie.

“Isa lang ang Eddie Garcia. Walang iba, isa lang ang Manoy. Siya lang.”

Ipinagpapasalamat ni Jay na isa siya sa mga masuwerteng nabigyan ng pagkakataong makatrabaho nang maraming beses ang yumaong TV and movie icon.

Samantala, isang sundalo ang papel ni Jay sa Children of the River, na produced ng Spears Films (ni Albert Almendralejo), sa pakikipagtulungan ng Luna Studios at GMA Films.

Continue reading below ↓

Ang nabanggit na pelikula ay mula sa panulat at direksyon ni Maricel Cariaga.

Pinagbibidahan ito ni Noel Comia (Cinemalaya 2017 Best Actor para sa Kiko Boksingero), kasama sina Rich Asunchion at Juancho Trivino.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jay Manalo on the late Eddie Garcia: "No dull moment when you’re talking to Tito Eddie and when you’re with him. Malaking kawalan siya sa industriya."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results