Rich Asuncion empathizes with Vickie Rushton over Q&A blunder in Bb. Pilipinas

by Rommel Gonzales
Jun 21, 2019
Rich Asuncion on Bb. Pilipinas 2019 candidate Vickie Rushton: "I think, feeling ko, dapat nanalo pa din siya [Vickie]. “Kasi, it’s a beauty contest in the first place—beauty. Ang ganda-ganda niya, ang dami niyang awards."
PHOTO/S: Instagram

Nakaka-relate daw si Rich Asuncion sa sinapit ni Vickie Rushton sa Binibining Pilipinas 2019.

Si Rich ay sumali rin sa Binibining Pilipinas noong 2009.

Naging first runner-up siya at nakakuha ng maraming special awards tulad ng Miss Natasha Beauty, Miss Talent, at Araneta Center Shoppers' Choice Award.

That year, ang mga nanalo ay sina Pamela Bianca Manalo (Bb. Pilipinas-Universe), Melody Gersbach (Bb. Pilipinas-International), at Marie-Ann Umali (Bb. Pilipinas-World).

Ngayong 2019 ay muling sumali si Vickie sa Binibining Pilipinas pagkatapos niyang maging 1st runner-up noong 2018.

Marami ang nag-akalang mag-uuwi ng korona si Vickie sa Binibining Pilipinas 2019, pero dahil hindi nakasagot nang maayos sa Question & Answer portion ay ni hindi siya naging runner-up.

Continue reading below ↓

“Parang ganun rin yung nangyari sa akin!” natatawang sabi Rich, na tulad ni Vickie ay hindi rin naging maganda ang sagot noon sa Q&A.

Paliwanag pa ng Kapuso actress, “Ang hirap kasi talaga pag nasa stage ka na.

“Kahit pinakamatalinong tao ka sa bung mundo, kapag naunahan ka ng kaba, talagang kakainin, lalamunin ka ng ano.

“Pero I think, para sa akin, ha, ang question-and-answer portion is just a part of the whole thing.

“So, I think, feeling ko, dapat nanalo pa din siya [Vickie].

“Kasi, it’s a beauty contest in the first place—beauty. Ang ganda-ganda niya, ang dami niyang awards.

“Pero yung nanalo, nakasama ko siya, nag-judge ako nun sa Miss Bohol," pagtukoy ni Rich kay Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados.

“Si Gazini, siya yung first runner-up namin doon.

“Nakita ko na siya in person, okay naman siya.”

Continue reading below ↓

QUESTION AND ANSWER

Naniniwala si Rich na hindi dapat malaki o mabigat na factor sa isang beauty pageant ang Q&A.

“Yes, in a way,” pakli niya.

“Dapat iku-consider pa rin nila yung performance niya sa [ibang parte].

“Lalung-lalo na yung pre-pageant, kasi dun mo makikilala, dun mo makikita yung performance niya talaga, yung ganun.

“Kasi, I dunno, Binibini, pag nanalo ka naman, ite-train ka pa naman ulit e, for the international pageants, di ba?

“So, may chance pa. At least alam mong pag tiningnan ka agad, alam mong may chance ka.

“Kasi, like ako, pag nagdya-judge akong beauty pageant, honestly, minamata ko muna, siyempre di ba... so meron ka nang Top 10 or Top 5.

“‘Tapos, along the contest, yung performance nag-iiba-iba na yung ranking.

"Pero mine-make sure ko na sana, sana yung pumasok, yung choices ko nung una, nandun pa rin.

“Yung sa unang tingin ko na, ‘Ay, okay, beauty-queen material ito, ganun.

Continue reading below ↓

“Ganun akong mag-judge.”

Ang mga tagapagtanggol ni Vickie ay sinasabing hindi masusukat ang talino sa isang tanong lang.

“Totoo naman,” pagsang-ayon ni Rich.

“Pero kasi feeling ko, in my own experience sa beauty pageant, ano ‘yan, e, parang tine-train kang maging beauty queen.

“Na parang, I dunno, yung mga sinasagot mo, parang flowery na lang minsan.

“It’s what people want to hear, not what you really wanna say, most of the time, anyways.”

May mga nagsasabi ring hindi raw ganoong ka-perfect o katama ang sagot ni Gazini. Pero dahil mahusay itong magsalita o maghanay-hanay ng mga salita kaya ito nanalong Miss Universe Philippines 2019.

Saad ni Rich, “Actually, yung sa Miss Bohol din.

“May Top 10 na question, may Top 5. Yung Top 10 at Top 5 [answers] niya, yung unang first two sentences niya, same.

“So, I think, may formula siya.

Continue reading below ↓

“Iyon naman yun, e. Dapat lang talaga confident ka, kahit hindi ka ganun kaganda or ganun.

“I mean, the ano, the aura, yung parang ‘halimaw’ ka, makukuha mo yung attention, e.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rich Asuncion on Bb. Pilipinas 2019 candidate Vickie Rushton: "I think, feeling ko, dapat nanalo pa din siya [Vickie]. “Kasi, it’s a beauty contest in the first place—beauty. Ang ganda-ganda niya, ang dami niyang awards."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results