Jazz icon Jacqui Magno dies of pancreatic cancer

by Arniel C. Serato
Jun 21, 2019
Jacqui Magno, 65, joined our Creator at 4:05 P.M. today, June 21.
PHOTO/S: Courtesy: Anna Ylagan on Facebook

Pumanaw na ang jazz icon na si Jacqui Magno dahil sa pancreatic cancer.

Siya ay 65 taong gulang.

Binawian siya ng buhay bandang 4:05 ng hapon ngayong Biyernes, June 21, sa University of the East Ramon Magsaysay (UERM) Memorial Hospital.

Ito ang balitang ipinaabot sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kaibigan ng singer na si Vivian Velez.

Sa Facebook, nauna na rin si Vivian na nagpaabot ng pakikiramay sa mga kamag-anak ni Jacqui.

Continue reading below ↓

Nag-post din sa social media ang kapwa singers na sina Lea Salonga, Richard Merk, at Noel Cabangon bilang pagpupugay kay Jacqui.

Continue reading below ↓

Nagsimula ang professional career ni Jacqui bilang female singer ng bandang Genesis Band, kung saan nakasama niya si Basil Valdez.

Ngunit naunsiyami ang kanyang singing career nang mabuntis siya.

Tatlong buwan pagkatapos niyang manganak, bumalik sa pag-awit si Jacqui sa pamamagitan ng legendary Circus Band.

Pero hindi rin nagtagal ang stint niya rito dahil noong panahong iyon ay mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang pagiging isang ina.

Continue reading below ↓

Makalipas ang ilang taon ay nagdesisyong bumalik sa pagkanta si Jacqui ngunit bilang solo jazz singer na.

Mula sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang aming taus-pusong pakikiramay sa naiwang pamilya ni Jacqui.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jacqui Magno, 65, joined our Creator at 4:05 P.M. today, June 21.
PHOTO/S: Courtesy: Anna Ylagan on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results