Julia Montes returns to social media to pay tribute to Eddie Garcia

by James Patrick Anarcon
Jun 22, 2019
After almost one month, Julia Montes returns to social media to pay tribute to the late Eddie Garcia. The two worked together in Wansapanataym presents Yamishita's Treasures in 2015.
PHOTO/S: @montesjulia08 on Instagram / PEP Files

Muling nagbalik si Julia Montes sa social media ngayong Sabado, June 22, pagkatapos ng matagal na pananahimik.

Ito ay para sariwain ang alaala ng namayapang aktor na si Eddie Garcia, na pumanaw noong Huwebes ng hapon, June 20.

Sa Instagram post ni Julia ngayong hapon, inalala ni Julia ang unang beses niyang nagpa-picture kasama si Eddie.

Kuwento niya sa kanyang caption, "This day naalala ko ung hiya ko magpapicture sainyo... Pero looking back sa photo na to daming memories... Mga advices and jokes mo Tito Eddie di ko po makakalimutan... We will miss you! Thank you for being an inspiration to all of us"

Continue reading below ↓

Nagkasama sina Julia at Eddie sa defunct ABS-CBN weekend series na Wansapanataym presents Yamishita's Treasures, na pinagbidahan ni Coco Martin. Umere ito noong 2015.

Huli pang nag-post sa Instagram si Julia noong May 25, upang magbigay-pugay sa ABS-CBN para sa ika-65 na anibersaryo nito sa telebisyon.

Bago nito ay matagal nang usap-usapan ang pananahimik ni Julia sa social media at maging sa showbiz, lalo na't pumutok ang balitang lihim niyang isinilang ang anak nila ni Coco Martin bandang unang linggo ng Abril 2019.

Pareho pa ring tikom ang mga bibig nina Julia at Coco tungkol sa usaping ito.

CELEBRITIES CONTINUE TO PAY TRIBUTE TO EDDIE GARCIA

Samantala, patuloy pa rin ang pagdadalamhati ng buong showbiz industry sa pagpanaw ni Eddie.

Kabilang dito ang dating ABS-CBN President at Maalaala Mo Kaya host na si Charo Santos-Concio.

Gumanap sina Eddie at Charo na mag-asawa sa pelikulang Gumapang Ka Sa Lusak.

Sabi niya sa kanyang Instagram post, "So much love and respect for this man... Mr.Eddie Garcia — the epitome of professionalism and humility!! Thank you for sharing your gift to us for 70years!! My love, prayers and condolences to his loved ones."

Continue reading below ↓

Kasama rin sa mga nakiramay si Dawn Zulueta, na nakatrabaho ni Eddie sa pelikulang Bakit May Kahapon Pa?

Saad ni Dawn sa kanyang post, "Goodbye to this brilliant, beloved man.. A man who many consider a National Treasure of Philippine Cinema, whose film career has spanned more than 60 sparkling years.. I am honored to have had the distinct privilege of working with him in the 1996 Joel Lamangan film “Bakit May Kahapon Pa?”.. I will never forget his arresting professionalism, quiet handsomeness and gentlemanliness; such cool elegance! You will be in our hearts for ever.. Thank you, Mr. Eddie Garcia"

Continue reading below ↓

Hindi rin makalimutan ni Pokwang ang una nilang pagkikita ni Eddie noong hindi pa siya nag-a-artista hanggang sa magkatrabaho sila sa pelikulang Nobody But Juan.

Kuwento ni Pokwang, "una kitang nakita noong grade 3 pa ako nag sho shooting ka sa lugar namin sa antipolo ng pelikulang sa ngalan ng anak. nagpahanap ka ng manikyurista at si aling Celia na kapit bahay namin ang nag manicure sayo, sumama ako para makita kita at nakatunganga ako sayo tapos napuna mo ako at sabi mo sakin, anak pwede ka kumurap ha sabay tawa at tinanong mo ako kung anak ba ako ng intsik kasi chinita ako, hiyang hiya ako pero natuwa ako sayo dahil mabait ka at pala bati. 2009 nakatrabaho kita with tatay Dolphy sa pelikulang No body but juan, grabe dream come true para sakin at halos maiyak ako sa saya. kayo ni tatay Dolphy ang napaka gandang halimbawa ko pagdating sa disiplina sa trabaho. yakap mo ako kay tatay ha kasama ka lagi sa ipagdarasal ko. yakap kana ni papa God #riptitoeddiegarcia"

Continue reading below ↓

Masuwerte raw si Heart Evangelista na nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho si Eddie sa 2012 GMA-7 series na Legacy.

Sabi niya sa Instagram, "What an impact you have made in Philippine cinema, Tito Eddie. Being given the chance to work with such an amazing actor like you is something I will treasure. You gave me not just the memories but also life lessons. May you rest in peace. You will be missed."

Continue reading below ↓

Mami-miss daw ni Agot Isidro si Eddie, na huli niyang nakatrabaho sa FPJ's Ang Probinsyano.

Saad niya sa Instagram, "I will miss you. We will miss you. It was pure joy and an utmost honor to work alongside you. You were a generous, fun loving, tireless soldier who was always excited to come to work everyday, sharing your genius with everyone (and your stash of bourbon sa mga last punggol) I love you, Papa. Have fun in heaven. Who will greet me “Hello Beautiful” now?"

Continue reading below ↓

Nagpasalamat naman si Michelle Vito sa mga natutunan niya kay Eddie, na nakasama niya sa ABS-CBN drama series na Sana Bukas Pa Ang Kahapon noong 2015.

Sabi niya, "Lolo Magno.. Tito Eddie.. thank you po sa mga aral na binigay niyo sa akin. We love you. Rest in Peace."

Continue reading below ↓

Sinariwa rin ng Kapuso actor na si Juancho Trivino ang pagsasama nila ni Eddie sa teleseryeng Little Nanay noong 2015.

Sabi niya sa kanyang Instagram post, "Rest in Peace Tito Eddie. nagkatrabaho kami sa Little Nanay a few years back, and inidolize ko siya because of his professionalism. I loved listening to the veterans of the show talking about past experiences. You are truly loved and appreciated Sir."

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After almost one month, Julia Montes returns to social media to pay tribute to the late Eddie Garcia. The two worked together in Wansapanataym presents Yamishita's Treasures in 2015.
PHOTO/S: @montesjulia08 on Instagram / PEP Files
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results