RS Francisco reveals post-pageant plans for Catriona Gray

by Rommel Gonzales
Jun 23, 2019
Frontrow International President RS Francisco (left, with Catriona Gray and Frontrow CEO Sam Verzosa) on plans for Miss Universe 2018 Catriona Gray: "Alam mo, kahit ano naman, e. Kahit concert, kahit movie... Sa amin okay kahit ano."
PHOTO/S: @pageanthology101 via @catriona_gray on Instagram

Maraming plano ang Frontrow International ni RS Francisco para kay Catriona Gray matapos ang reign nito bilang Miss Universe 2018.

Kasama na rito ang planong pagpu-produce ng pelikula ng Frontrow Entertainment na si Catriona ang artista.

Lahad niya, ”Alam mo, kahit ano naman, e.

“Kahit concert, kahit movie... Sa amin okay kahit ano.

“That’s why I’m telling them [Frontrow] nga, propose something.

“Kasi sabi ko, ako as RS, ang utak ko nasa expansion ng Frontrow.

“So kung meron pang ibang mga concept na naiisip...

“May nag-suggest ng concert kanina. Ang galing!

“Alam mo, hindi yan sumayad sa utak ko, although alam kong si Catriona kumakanta nang napakaganda.

“Hindi napunta sa utak ko yun.”

Sa ngayon ay maituturing na “brand family” ng Frontrow International si Catriona.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si RS noong June 13 sa Novotel Hotel kung saan ginanap ang pagbibigay ng mga tseke para sa mga adbokasiya ni Catriona, ng Miss Universe Organization at ng Frontrow International.

Continue reading below ↓

FRONTROW CHARITY ADVOCACIES

Nagbigay ng donation ang Miss Universe Organization (thru Catriona) ng $15,000 sa Hope For Change (na nagpapaaral ng mga kabataang mahihirap, pre-school hanggang college).

Nagbigay naman ang Frontrow/Frontrow Cares (headed by RS Francisco and Sam Verzosa) ng tig-isang milyong piso sa Young Focus (na tumutulong ding magpaaral sa mga batang kapuspalad, pre-school hanggang college rin) at sa Love Yourself (na ang adbokasiya ay HIV awareness, education, prevention and counselling).

Halos tatlong taon nang tumutulong sa iba't ibang charitable institutions ang Frontrow Cares ng Frontrow International.

Paglinaw ni RS, “Pero tumutulong kami dati pa.

“Kumbaga yung Frontrow Cares naging ano lang yan...

“Pina-register namin sa SEC, pina-ano namin...

“Pero alam mo, kahit dati pa, nag-umpisa nung 2013.

“Pag nakakita kami sa Facebook, kung saan man—sa TV Patrol, sa Imbestigador, SOCO—kung saan man kami makakita ng nangangailangan ng tulong.

“Kahit individual, e. It doesn’t have to be grupo or foundation. Kahit sino.”

Continue reading below ↓

FIRST CHARITY EFFORT

Una raw nilang pagtulong noong 2013.

Kuwento niya, “Nakita namin sa bank account namin, may extra 1 million kami.

“First earning, profit na ito, kumbaga tinanggal na namin yung puhunan.

“'Tapos sabi namin, ‘Mag-Christmas party tayo nang bongga! May 1 million tayo, e.

“‘Four years na tayong nagwu-work, ngayon lang tayo may extra one million.’

“'Tapos, sabi ni Sam [Verzosa, RS’s business partner], ‘Hindi, ipagawa na lang natin yung office kasi luma na. ‘O sige, tama.’

“E, biglang nag-Yolanda! 'Tapos, nakita namin sa TV mga walang makain, walang matirhan, displaced.

“Nagtinginan kami. Sabi namin, ‘Donate na lang natin ito sa Yolanda.

“So we spoke to ABS-CBN Foundation, nilagay namin.

“Iyon ang first ever.”

GLOBAL BRAND PARTNERS

Brand partners o endorsers ng Frontrow International ang mga Superstars na tulad nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Floyd Mayweather, Catriona Gray, Momoland at si Vice Ganda.

Continue reading below ↓

Tiyak na pagkamamahal ng talent fee ng mga ito kaya tinanong namin si RS kung hindi ba nauubusan ng pera ang Frontrow?

Paglinaw niya, “Hindi. Alam mo, there’s a misconception talaga na ang daming pera, pero lahat yan, nagko-conspire lang naman yan.

“Kasi ito, kaibigan namin si ganito, kaibigan namin si ganun...

“It’s short of saying na nakukuha namin sila because the universe conspired for us to get them.

“Everything happens for a reason.

“Iyon, so…”

CLAIMING PROSPERITY

Base sa kanyang last statement, biniro namin si RS na tila hindi sila nauubusan ng pera.

“Wala akong sinabing ganun,” at tumawa si RS.

“Pero hindi, always kong sinasabi sa mga kaibigan ko, dapat sabihin mo parati marami kang pera.

“Huwag mong sasabihin yung opposite.

“Always tell people marami kang pera.”

MORE CELEBRITY ENDORSERS

May apat pang big celebrities na ilu-launch sina RS at Sam bilang endorsers ng Frontrow pero ayaw muna nilang i-reveal kung sinu-sino ang mga ito.

Continue reading below ↓

Isa sa apat ay isang foreign group, ang tatlo ay Pilipino.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Frontrow International President RS Francisco (left, with Catriona Gray and Frontrow CEO Sam Verzosa) on plans for Miss Universe 2018 Catriona Gray: "Alam mo, kahit ano naman, e. Kahit concert, kahit movie... Sa amin okay kahit ano."
PHOTO/S: @pageanthology101 via @catriona_gray on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results