Megan Young not keen on bagging Darna role

by Rommel Gonzales
Jun 23, 2019
Kapuso actress Megan Young admits she never really thought much about the highly-coveted Darna role: “But that’s ano, the rights are with ABS, di ba? So, I don’t… I never really thought of it.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Marami ang humahanga kina Megan Young at Mikael Daez dahil napakatatag ng kanilang walong taong relasyon bilang magkasintahan.

Never napabalita na nag-away o naghiwalay sila.

Madalas ngang maikumpara sina Megan at Mikael sa ibang couples, lalo na ang mga beauty queens na matapos manalo sa international pageant ay nahiwalay sa kani-kanilang kasintahan, tulad nina 2018 Miss Universe Catriona Gray at model-turned-Kapuso star na si Clint Bondad.

“Obviously, that’s not my business.

“That’s their business, so...” natatawang pag-iwas niya sa tanong.

“But I mean, we also have our ups and downs.

“Depende lang, depende lang sa couple yun, e.”

Kahit naging Miss World siya at dumami ang nagkakainteres sa kanya ay hindi niya ipinagpalit sa iba si Mikael.

“Siyempre.

“Alam mo, you can’t judge a book by its cover.

“People have their own trials, and just because we stayed together doesn’t mean na parang other people have failures in their relationships.

Continue reading below ↓

“Maybe it was time for their relationship to end. You never know.

“And there might be a future.

“I mean, I’ve had ex-boyfriends also, but we broke up and there’s a good reason why we broke up.

“And I’m happy with Mikael now.

“So that goes for any other relationships din.”

NOT INTERESTED IN DARNA ROLE

Speaking of yet another international beauty queen, isa si Miss Universe 2013 Pia Wurtzbach sa mga aktres na nako-consider maging Darna sa big screen sa remake ng kuwento ng sikat na Pinay superhero.

What if ma-consider din si Megan at alukin siya?

“But that’s ano, the rights are with ABS, di ba?

“So, I don’t… I never really thought of it.”

ADVICE FOR FUTURE BEAUTY QUEENS

Malapit na muling mapanood si Megan sa GMA sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko kasama sina Kris Bernal, Rayver Cruz at Kim Domingo.

Continue reading below ↓

Ano ang advise niya sa mga aspiring beauty queens?

“Go for your dreams!” pakli niya.

At dahil galing si Megan sa StarStruck Season 2 (noong 2004) kung saan umabot siya sa top 6, hiningan namin si Megan ng advise para sa mga bagong hopefuls ng StarStruck season 7 na kaeere lamang ngayon sa GMA.

“Dream, believe, survive,” ang tumatawang bulalas ni Megan

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Megan sa Empire Studios sa Uptown Mall sa Bonifacio Global City nitong May 14, araw ng Martes sa presscon ng workshop on Personality Development and Public Speaking ng Empire Exclusives (ni Jonas Gaffud) kung saan ang mentor at motivational speaker ay si Megan.

SAFARI TRIP

Madalas silang magbiyahe abroad ni Mikael.

Ano ang lugar na nais nilang puntahan sa susunod na trip nila?

Mabilis niyang sagot, “Kenya! Kenya ang gusto ko, gusto kong mag-safari ulit.

“Kenya, Namibia. Gusto ko dun, gusto kong mag-safari ulit.”

Continue reading below ↓

Nakapag-safari na raw sila ni Mikael sa South Africa.

Pero paglinaw niya, “Pero hindi siya yung parang open field.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Megan Young admits she never really thought much about the highly-coveted Darna role: “But that’s ano, the rights are with ABS, di ba? So, I don’t… I never really thought of it.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results