Rich Asuncion recalls fond memories with late Eddie Garcia

by Rommel Gonzales
Jun 23, 2019
Rich Asuncion recalls fond memories with the late Eddie Garcia: “Very charismatic pa rin. Andun pa rin yung parang, ano siya, romantic na tao, parang ganun. Parang kung sabay kaming ano, siguro baka mai-in love ako sa kanya!"
PHOTO/S: Starstruck / @richasuncionmudie on Instagram

Honored ang young actress na si Rich Asuncion na nakatrabaho niya sa dalawang GMA-7 teleserye ang beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Ito ay sa Aso Ni San Roque (2012) at sa Little Nanay (2015).

At tulad ng alam na ng lahat, sinalubong tayo ng malungkot na balitang pumanaw na si Eddie noong June 20, matapos nitong ma-confine sa ospital ng ilang araw habang comatose.

Ang accidental fall niya sa taping ng Rosang Agimat noong June 8 ang naging sanhi ng neck/cervical fracture na nagpalala sa kanyang kondisyon.

Noong nakarating sa kanya ang balita, bilang pakikiramay ay nag-post si Rich sa kanyang Instagram account ng litrato nila ng veteran actor na kuha sa set ng Little Nanay.

“Grabe! Pagdating niya sa set, ang bangu-bango, sobra!

“Parang naliligo siya sa perfume, ganun siya kabango,” umpisang kuwento ni Rich tungkol sa mga bagay na naaalala niya kay Eddie.

“'Tapos, yung naaalala ko sa Aso Ni San Roque, siyempre with age, medyo mahina na talaga siya.

Continue reading below ↓

“So kunwari yung scene nakahiga siya, so pag wala pang take, pinapahiga talaga muna siya, nilalagyan ng something para makaano siya [makahiga ng kumportable].

“Very charismatic pa rin,” pagpapatuloy na kuwento ni Rich tungkol sa batikang aktor.

“Andun pa rin yung parang, ano siya, romantic na tao, parang ganun.

“Parang kung sabay kaming ano, siguro baka mai-in love ako sa kanya!

“Ganun siya, very romantiko, e.”

Marami silang eksena na magkasama sa Aso Ni San Roque.

Dagdag pa niya, “Parang ano kami dun, mga maligno, 'tapos parang siya yung leader namin, from what I remember, kasi ang tagal na nun.

“Mabait siya.”

Patungo na si Rich sa Limbaga 77 restaurant sa Quezon City noong hapon nung June 20 para sa pocket interview ng indie movie na Children of the River nang nabalitaan niya thru Instagram ang pagkamatay ng showbiz icon.

Asawa ng isang sundalo at ina ang isang teenager na may identity crisis ang papel ni Rich sa Children of the River na produced ng Spears Films (ni Albert Almendralejo) sa pakikipagtulungan ng Luna Studios at GMA Films.

Continue reading below ↓

Ang nabanggit na pelikula ay sa panulat at direksyon ni Maricel Cariaga at pinagbibidahan ni Noel Comia (Cinemalaya 2017 Best Actor para sa Kiko Boksingero) kasama sina Jay Manalo at Juancho Trivino.

Dalawa ang entry ng Spears Films sa Cinemalaya 2019: ang Children of the River at Malamaya nina Sunshine Cruz at Enzo Pineda na co-prod naman ng ALV Films.

Gaganapin ang Cinemalaya Film Festival mula August 2 hanggang August 11, 2019.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rich Asuncion recalls fond memories with the late Eddie Garcia: “Very charismatic pa rin. Andun pa rin yung parang, ano siya, romantic na tao, parang ganun. Parang kung sabay kaming ano, siguro baka mai-in love ako sa kanya!"
PHOTO/S: Starstruck / @richasuncionmudie on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results