Gabbi Garcia, Jeric Gonzales regret missed chance to work with Eddie Garcia

by Ruel J. Mendoza
Jun 23, 2019
Kapuso stars Gabbi Garcia (left) and Jeric Gonzales (right) regret missing out on their chance to work with iconic actor Eddie Garcia for GMA-7's new teleserye, Rosang Agimat.
PHOTO/S: GMA Artist Center

Kapwa nalungkot ang Kapuso stars na sina Gabbi Garcia at Jeric Gonzales dahil sa pagpanaw ng veteran actor na si Eddie Garcia.

Magiging co-star sana nila ang 90-year-old actor sa GMA teleserye na Rosang Agimat.

Para kay Gabbi, isang karangalan ang makasama ang isang institusyon na tulad ni Eddie Garcia at pinaghandaan pa raw niya ang kanyang role para hindi siya mapahiya sa veteran actor kapag nagkaroon na sila ng eksena.

Dumaan pa sa target shooting training si Gabbi dahil marami raw siyang action scenes sa naturang teleserye.

Heto ang pinost ni Gabbi sa kanyang Instagram account:

Continue reading below ↓

Si Jeric naman ay sobrang nanghinayang sa chance na makatrabaho niya ang kanyang idol.

Bata pa lang daw si Jeric ay paborito na niyang panoorin si Eddie sa TV at pelikula.

At noong pasukin niya ang showbiz, isa sa gusto niyang makatrabaho ay si Eddie Garcia.

Pero hindi na nga raw mangyayari iyon at tine-treasure na lang niya ang photo niya with Eddie na pinost niya sa IG.

Continue reading below ↓

Pinost din ni Jeric sa IG account niya ang video ng photo shoot ni Eddie para sa publicity ng Rosang Agimat.

Wala pang official announcement ang GMA-7 kung itutuloy o ise-shelve na lang ang teleserye na Rosang Agimat na nasa ilalim ng direksyon ni Toto Natividad.

“Stop taping” sila sa naturang project simula noong maaksidente si Eddie Garcia.

Continue reading below ↓

Bukod kina Eddie, Gabbi at Jeric, kasama rin sa Rosang Agimat sina Thea Tolentino at Gil Cuerva.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso stars Gabbi Garcia (left) and Jeric Gonzales (right) regret missing out on their chance to work with iconic actor Eddie Garcia for GMA-7's new teleserye, Rosang Agimat.
PHOTO/S: GMA Artist Center
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results