Claudine Barretto calls out netizen criticizing her daughter Sabina

by Rachelle Siazon
Jun 23, 2019
Claudine Barretto answers netizen criticizing her daughter Sabina's alleged lack of appreciation for the actress's surprise gesture. Sabina turned 15 on June 21.

Hindi pinalampas ni Claudine Barretto ang pambabatikos sa panganay niyang anak na si Sabina na nagdiwang ng ika-15 kaarawan noong June 21.

Puna ng isang netizen, ni hindi man lang daw kinakitaan ng positibong reaksiyon si Sabina nang sorpresahin ito ni Claudine.

Kaugnay ito ng Instagram post ni Claudine kung saan ipinaghanda niya ng rainbow cake at kinantahan niya ng "Happy Birthday" si Sabina.

Continue reading below ↓

"Parang deadma ano ba yan! Mahal na mahal ng ina d man mag pakita na thankful sya inampon sya ni Claudine," komento ng netizen.

Sagot ni Claudine, "sorry po galing lang naman ng GFORCE at 1 am o mag 2am gusto mo. Matatalon anak ko.she doesn't have to please anyone."

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Claudine ay ang dinaluhang dance lesson ni Sabina sa training center ng dance group na G-Force.

Tila hindi rin nagustahan ni Claudine ang pagtawag sa pagdidiin ng netizen na "ampon" ang kanyang anak.

Sabi pa ng aktres, "AMPON? bakit sya ba pumili na ako maging NANAY NYA?

Continue reading below ↓

May isa pang netizen na nagsabing sana man lang ay "ngumiti" ang anak ni Claudine.

Sa puntong ito ay si Sabina na ang direktang sumagot sa netizen na pagod lang siya kaya parang nanghihina siya sa video.

Sagot niya, "sorry naman po hehe I fit so tired from g force yesterday"

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto answers netizen criticizing her daughter Sabina's alleged lack of appreciation for the actress's surprise gesture. Sabina turned 15 on June 21.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results