Joross Gamboa throws up while shooting action flick in Bacolod City

by Jerry Olea
Jun 23, 2019
Joross Gamboa was given immediate medical attention after he threw up while shooting an action flick in Bacolod City this weekend. However, he was cleared not later than 30 minutes and was still able to attend the festivities for the 3rd Piña Festival in Ormoc City.
PHOTO/S: Jerry Olea

Nagsuka si Joross Gamboa habang nagsu-shooting ng isang action movie na idinidirek ni Richard Somes nitong Sabado, Hunyo 22, ng around 8:00 PM sa Bacolod City.

Agad siyang inalalayan ng mga taga-production.

“May ambulansya sa set namin. Hindi inabot ng 30 minutes ang pag-attend nila sa akin,” sabi ni Joross nang makausap namin matapos mananghalian sa tahanan nina Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres-Gomez nitong Linggo, Hunyo 23, sa Ormoc City.

Nilinaw ni Joross na hindi siya napatid ng kable. Nakatago ang mga kable sa set.

“Masaya namang mag-aksyon, pero syempre, kapag aksyon... maaksyon din talaga ang nangyayari,” matamang lahad ni Joross.

“Kaya minsan, merong... kapag overfatigue, napapagod nang husto, ayun, naaambu-ambulansya.

“Maraming ganoon. Kasi, yung mga set namin, may mga usok.

“Siyempre, kapag takbuhan, barilan, suntukan... yun ang malalanghap mo, yung usok.

“Saka wala akong tulog.”

SON'S ACCIDENT

May hotel room si Joross para matulog at magpahinga. Bakit siya napuyat?

Continue reading below ↓

Paliwanag niya, “Kasi, yung anak ko, naaksidente sa bahay the day before. Nagkokotse-kotsehan.

“Nabagok sa kanto ng mesa. Nagmu-monitor ako sa anak ko.

“Kasi, tumama yung ulo. 48 hours na under observation. Nagdugo kasi ang ilong, e.

“E, two years old ba naman. Kawawa naman.”

Kaya walang tulog si Joross nang mag-report back sa shooting ng action movie.

Saad niya, “With the usok and putukan and everything, takbuhan, ayun nga... bigla akong nagsusuka.

“Pero parang normal naman sa amin yung mga... si Jeff Tam, nagganoon din the day before.

“In fairness, andoon agad ang medics sa tabi namin.”

Aminado si Joross na kasalanan niya kaya siya nagsuka.

Aniya, “Oo, di mo talaga maaano yon.

“Kaya dapat, kapag gagawa kayo ng ganitong pelikula, dapat fit kayo. Kumakain kayo nang tama sa oras. Tulog din.”

Dalawang oras pa lang ang tulog ni Joross nang mainterbyu namin. Hindi pa siya nakakabawi ng lakas.

Continue reading below ↓

3RD PIÑA FESTIVAL FESTIVITIES

“Hostess” ang dating ni Joross sa mga Ormocanon.

Taga-aliw siya ng mga tao.

“Panata” na ni Joross ang pakikisaya sa Piña festival, na nasa ikatlong taon na this year.

Kasali siya sa parada, at siyempre kakanta.

Naka-bonding ni Joross nang husto si Ormoc City Mayor Richard Gomez sa shooting ng pelikulang Three Words to Forever.

Natatawang pakli ni Joross, “Baka matuluyan ako sa parada. Doon natin makikita kung may medics.”

Naka-survive si Joross sa parada, at naging co-host sa isang segment ng programa kinagabihan sa plaza.

Hinarana nila ni Akihiro Blanco ang walong Reyna ng 3rd Piña Festival.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joross Gamboa was given immediate medical attention after he threw up while shooting an action flick in Bacolod City this weekend. However, he was cleared not later than 30 minutes and was still able to attend the festivities for the 3rd Piña Festival in Ormoc City.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results