Jinkee Pacquiao nervous about Manny's upcoming fight with Keith Thurman

by Glenn Regondola
Jun 24, 2019
Jinkee Pacquiao on husband Manny Pacquiao's boxing career: "Buong family, ayaw na namin. Si Manny lang talaga ang gusto."
PHOTO/S: Instagram

Aminado si Jinkee Pacquiao na kinakabahan siya sa nalalapit na laban ng kanyang asawang si Manny Pacquiao kontra sa American boxer na si Keith Thurman.

Ang laban nina Pacquiao, 40, at Thurman, 30, na tinaguriang "Welterweight Supremacy" ay mapapanood ng buong mundo sa July 20. Gaganapin ito sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada, USA.

Kilala si Thurman bilang isa sa hardest puncher sa welterweight division.

Pahayag ni Jinkee tungkol sa nalalapit na laban ni Manny, “Mas nagkakaedad na rin kasi siya, medyo may difference na yung...

“Ngayon, mas kabado ako. Buong family, ayaw na namin.

“Si Manny lang talaga ang gusto. Siya din naman ang nakikipag-usap.

“Gusto yun ng kanyang katawan. Parang hinahanap-hanap ba.”

Kung magre-retire daw ang tinaguriang Pambansang Kamao, binanggit ni Jinkee kung sino ang gusto niyang huling makalaban ng kanyang mister.

Aniya, “Sana si [Floyd] Mayweather na yun kung lumaban.

“After Mayweather, kung lumaban, dun na siya magre-retire.

Continue reading below ↓

“Pero, parang ayaw niya.

“Siguro heto na lang [Thurman], last na lang.

“Siguro, ha? Ha!Ha!Ha!

“Kapag natapos, hayan na naman, mag-iiba na naman, iba na naman. Di ko alam, e.

“Mula nung ma-knock [out] siya noon, talagang ayaw na namin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters si Jinkee kamakailan sa media launch ng kanyang anak na si Jimuel Pacquiao bilang pinakabagong BNY male celebrity endorser.

BOXING AND POLITICS

Saan mas kinakabahan si Jinkee para sa kanyang asawa—sa knockout sa boksing o sa knockout ng mga intriga sa pulitika kung saan nagsisilbi ang kanyang mister bilang senador?

Diretsahang sagot ng 40-year-old celebrity wife, “Sa boksing, siyempre.

“Sa politics, di naman kasi totoo yung mga ano sa kanya.

“Siyempre, naaapektuhan din kami, pero at the end of the day, kasama yun, e.

“Kasama naman ang lahat ng mga ganyan, di ba?

Continue reading below ↓

“Yung kay Senator [Cynthia] Villar, okey lang naman.

“Pasensiyoso naman si Manny pagdating sa ganyan. He can handle it naman.”

Ang tinutukoy ni Jinkee ay ang tensiyong namagitan kina Manny at Senator Cynthia Villar tungkol sa botohan ng magiging Senate President.

Pinag-uusapan naman daw nila ang mga ganitong kaganapan sa loob ng bahay.

Ayon kay Jinkee, “Oo, minsan. ‘Alam mo ba? Napanood mo ba kanina?’

“Hindi naman lahat…

“Halos lahat sila diyan [sa Senado], magkakaibigan, e.

“Pagdating kay Manny, mababait naman sila lahat.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jinkee Pacquiao on husband Manny Pacquiao's boxing career: "Buong family, ayaw na namin. Si Manny lang talaga ang gusto."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results